Alex Gonzaga dinedma-dedma ng mga photog sa Milan Fashion Week 2022: Please, please! Pansinin n'yo na 'ko guys! Bandera

Alex Gonzaga dinedma-dedma ng mga photog sa Milan Fashion Week 2022: Please, please! Pansinin n’yo na ‘ko guys!

Ervin Santiago |September 25,2022
share this

Alex Gonzaga dinedma-dedma ng mga photog sa Milan Fashion Week 2022: Please, please! Pansinin n’yo na ‘ko guys!

Ervin Santiago - September 25, 2022 - 05:03 PM

Alex Gonzaga

NAGMAKAAWA ang actress-vlogger at TV host na si Alex Gonzaga-Morada sa mga photographer nang rumampa siya sa isang fashion event recently.

Tawa kami nang tawa sa mga hugot ng aktres at content creator habang nagkukuwento siya sa ilang kaganapan sa Milan Fashion Week Fall/Winter 2022.

Naganap ito noong September 23, ayon kay Alex. Aniya, naroon siya sa Milan Fashion week sa imbitasyon ni Dra. Vicki Belo.

Inirampa ni Alex ang kanyang designer clothes sa Moschino and Gucci SS23 fashion shows, pero nadismaya nga siya dahil hindi man lang daw siya pinansin ng mga photographers doon. As in “dedmadela” raw talaga ang mga ito sa kanya.

Sa Instagram live nagsumbong si Alex sa mga IG followers niya tungkol sa nangyari, “Kasi yung photographer akala ko ako yung pini-picture-an niya. So, nag-pose ako ng ganyan.


“Tapos nakita ko yung mukha niya gumanyan. Yun pala yung nasa likod ko yung kinukunan niya.

“Naku, hindi talaga nila ako pinapansin. Nung dumaan ako, nagtalikuran at naglinis ng lente.

“Baka kasi hindi naman ako ang kukunan niya. Makita-kita ko iba yung pini-picture-an niya,” chika ng vlogger.

Sa isa namang video na ipinost ni Alex sa IG, ang inilagay niyang caption ay, “HOY nasa #MilanFashionweek ako at yes wala sila pakialam dito. konting pansin namam guys! [emoji] Thank you dra @victoria_belo for the invite!!!!”

Comment naman ng kaibigan niyang si Luus Manzano, “Pwede naman siguro i-blur mukha mo diba? Thanks pohz.”

Samantala, mas tumindi pa ang pagmamakaawa ni Alex sa isa pa niyang IG photo na may mensaheng, “To the #milanfashionweek org, picture nyo din naman ako kahit isa lang pagusapan nyo yan internally haha buti magaling @dochayden magpicture.”

Kasabay nito ang kanyang paandar at pasabog na supermodel pose na kuha sa isang kalye sa Milan, 
“BALI BALIAN POSE. Thank you @deniseochoa di mo ko kinakahiya dito. Pls plsss pansinin nyo nako guys!

Sharon shocked sa biglaang pagkamatay ni Raymund Isaac: Ang dami pa nating gagawin, di ba?

Heart nagtagumpay dahil sa nagpakatotoo: Kikay talaga ako at may narating ang pagkakikay ko

Heart nagtagumpay dahil sa nagpakatotoo: Kikay talaga ako at may narating ang pagkakikay ko

Asawa ni Raymund Isaac dismayado sa mga ‘bida-bida’ sa socmed: This is very disappointing & frustrating!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending