Alex dedma muna sa showbiz, focus sila ni Mikee sa paggawa ng baby
DEDMA muna ang actress-content creator na si Alex Gonzaga sa showbiz dahil mas gusto muna niyang pagtuunan ng pansin at ng asawang si Mikee Morada ang paggawa ng baby.
Bukod dito, focus din si Alex sa pagsuporta sa kandidatura ni Mikee na tatakbong vice mayor sa Lipa City, Batangas sa darating na 2025 midterm elections.
Ibinahagi niya ito nang dumalo siya sa Christmas party ng Society of Entertainment Editors (SPEEd) last Monday, December 2, sa Rampa Drag Club, Quezon City.
Baka Bet Mo: JC de Vera na-offend sa ginawa ni Alex Gonzaga: Nagulat talaga ‘ko!
View this post on Instagram
Kasama niya ang politician husband na si Mikee, konsehal ngayon ng Lipa City, Batangas, sa naturang event kung saan sandali silang nakachikahan ng press.
“First ko lang yata naipakilala sa mga taga-SPEED, editors, press people ang asawa ko. Kasi nagpakasal kami, pandemic,” sey ni Alex.
Medyo lie low daw muna ngayon si Alex dahil gusto niyang mabigyan ng mas mahabang panahon at atensiyong ang married life nila ni Mike kaya may mga tinatanggihan na siyang offers.
“Siyempre thankful tayo. Pero ang iniisip ko pa rin is yung asawa ko at we’re trying to have a baby. Ayokong mawala sa focus. Yun ang priority,” sabi naman ni Mikee.
“Yun muna – starting a family, building a family. Medyo mahirap pagsabayin,” sey ni Alex.
Aminado si Alex na nag-mellow na siya ngayon, mas behave na at hindi na mapagpatol sa mga issue. Tapos na raw siya sa mga kung anu-anong pinaggagawa niya nu’ng kabataan niya.
Sabi naman ni Mikee, “Alex will always be Alex. Pero mas careful na siya ngayon.”
Biro naman ng sisteraka ni Toni Gonzaga, “Sa kanya na lang ako nagiging naughty! Ha-hahahaha!”
Consistent si Alex na isa sa mga nangunguna, pinakamalakas na vloggers sa Pilipinas at patuloy pa ring nadadagdagan ang kanyang subscribers.
Ipinagmamalaki ito ni Mikee, “Kasi nakita ko kung paano niya inumpisahan yung vlog, nu’ng nanliligaw pa lang ako. Iyon ang pinakauna niyang vlog.
“Hanggang ngayon, siya pa rin ang nag-e-edit, at inuupuan niya ang lahat. Kapag nakita mo yun, talagang mapa-proud ka sa kanya,” sabi ni Mikee.
Kaya okay na raw muna si Alex sa vlogging at gusto niyang mag-focus sa pagsuporta sa pangangampanya ng asawa at nandiyan lang bilang supportive wife ni Mikee.
Hindi rin niya isinasara ang posibilidad na pasukin din ang politika, pero umiiling si Mikee. Mas mabuti aniyang nasa showbiz na lang ang aktres.
“Hindi muna tayo magsasalita nang tapos. As of the moment, nag-e-enjoy akong sinusuportahan ko lang si Mikee,” sey pa ni Alex.
Hindi na siya nagpapaapekto sa ilang binubuhay pa ang mga isyu niya noon. Hindi na niya pinapansin yu’ng ibinabalik pa ang mga kinasangkutang matagal nang nakalimutan.
“It’s part of the consequence ng pagiging childish at immature ko noon. What’s important, lagi akong nire-remind ng asawa ko, my family, you know your mistakes and you’re trying to improve, trying your best na hindi ulitin. At nakikita namang nagbabago ka.
“Nagma-mature, hindi forever bagets, hindi forever makulit,” pahayag ni Alex Gonzaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.