Xian Gaza tinamaan kay Zeinab Harake: Will you eat biko with me? | Bandera

Xian Gaza tinamaan kay Zeinab Harake: Will you eat biko with me?

Reggee Bonoan |September 03,2022
facebook
share this

Xian Gaza tinamaan kay Zeinab Harake: Will you eat biko with me?

Reggee Bonoan - September 03, 2022 - 10:16 AM

Xian Gaza tinamaan kay Zeinab Harake: Will you eat biko with me?
FOLLOW-UP ito sa sinulat namin dito sa Bandera kahapon tungkol sa unang pagkikita nang personal nina Zeinab Harake at ng tinaguriang ‘marites’ ng Pilipinas na si Xian Gaza sa Singapore ay tila na-in-lavey na ang huli.

Pagkatapos ng mahabang kuwento ni Xian tungkol sa pagkikita nila ni Zeinab ay nag-post siya na nalimutan niyang padalhan ng sustento ang anak na babae kahapon, Setyembre 2 dahil sa kakaisip kay Zeinab.

Alam naming biro lang ito ni Xian dahil gusto lang niyang magpatawa pero since Setyembre 2 ang due ay naihabol naman niya ito.

Samantala, sa ikatlong pagkakataon ay muling idinaan ni Xian sa billboard ang imbitasyon niya sa babaeng nagugustuhan niya.

Matatandaang nauna si Erich Gonzales noong 2017 na niyaya ni Xian ng coffee date na tinanggihan naman ng aktres.

Sinundan naman ng isa pang billboard noong 2021 sa isang five story building sa Korea na may nakasulat na, “Kim Jennie Ruby Jane, you are my ultimate crush. ‘Can I take you out to dinner and make me the happiest man alive?”

Si Kim Jennie Ruby Jane ay miyembro ng K-Pop Group BlackPink na hindi rin siya sinipot.

At itong huli ay si Zeinab naman ay ginawan din ng billboard na ang inilagay ang selfie nilang dalawa nu’ng magkita sila na pinost niya sa kanyang Facebook account.

Ang nakalagay ay, “Ikaw na ba ang Bibiko, Ang Bibiko?”

At nilagyan ng ribbon na hugis puso.

“Zeinab Harake, will you eat biko with me?”

At trending na in just one hour ay umabot na sa 27,000 ang likes/heart at 360 shares.

Ang mga nabasa naming komento mula sa netizens:

“Hala iba ka nabillboard ka agad mabilisan hahahaha. Ganun ba dapat hahahah Christian Albert Gaza?”

Sinagot naman ito ni Xian, “May alak ba diyan? Gusto ko maglasing ‘pagkat ako’y nagugulumihanan sa aking nadarama.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)

Sabi ulit ng netizen, “Christian Albert Gaza Tara na ganap na tayu ganun din nmn ng mahanap ang kasagutan sa mga tanong hahaha.”

Say naman ng personalidad na si Ace Alemania, “DI MO KAYA MARS!! I DARE YOUU HAHAHAHAHAHAHA!! #TeamBlackLabel.”

Boto naman ng isa “Baka kaya kayo pinagtagpo kasi kayo din ‘yung tinadhana?

Natuwa si @Christian Albert Gaza, “Napangiti mo ako. Saan ko ipadala ang 10K?

Siagot siya ni @Jorge Bryan Mills Marquez, “Pakisabay nalang ng wedding invitation para isahan bro thanks in advance invite ko na sarili ko.”

* * *

Walang humpay na kilig at saya ang hatid ng iWantTFC sa mga bago nitong palabas na pinagbibidahan ng iba’t ibang young stars, kabilang na rito sina Markus Paterson, Jayda Avanzado, at Aljon Mendoza para sa inaabangang seryeng “Teen Clash.”

Iikot ang kwento ng “Teen Clash” kina Jude (Markus), Zoe (Jayda), at Ice (Aljon), mga musikerong mahuhulog ang loob sa isa’t isa, na mapapanood na ngayong Disyembre. Tatalakayin ng serye ang iba’t ibang mga aral tungkol sa pag-ibig at mga pagsubok ng buhay nang lumipat si Zoe ng paaralan dahil sa isang eskandalo.

Makikilala na rin ngayong Setyembre ang teen barkada ng bagong henerasyon sa “Tara G!,” tampok sina Daniela Stanner, Anthony Jennings, Kaori Oinuma, Vivoree Esclito, JC Alcantara, Zach Castañeda, at CJ Salonga, at ang mga pagsubok na haharapin nila upang maabot ang kanilang mga pangarap.

Matinding sayawan at kantahan naman ang hatid nina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Kyle Echarri, Darren Espanto, AC Bonifacio, Jeremy G, Angela Ken, Sheena Belarmino, at Awra Briguela sa “Lyric and Beat,” ang unang original musical series ng iWantTFC na nasa huling tatlong episode na lang.

Pwede naman balik-balikan ang seasons one and two ng kinakikiligang seryeng “He’s Into Her” nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, at paiinitin naman nina Kyle Echarri, Chie Filomeno, Raven Rigor, Sean Tristan, Kira Balinger, Brent Manalo, Lance Carr, at Angelica Lao ang “ber” months sa seryeng “Beach Bros.”

Siksik din sa kilig at good vibes ang “Bola Bola,” kung saan titibok ang mga puso nina Akira Morishita, Ashton Salvador, at KD Estrada para kay Francine Diaz. Napapanood din ang feel-good serye na “Run to Me,” ang unang pagtatambal ng up-and-coming loveteam nina Alexa Ilacad at KD.

Panoorin ang mga ito nang libre sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com). Available rin ito sa mga premium subscribers sa labas ng Pilipinas. Mayroong free trial naman ang mga new eligible users.

Related Chika:
Xian Gaza nagulat nang makita si Zeinab sa Singapore, nagkwentuhan at walwalan hanggang umaga

Zeinab Harake gusto namang mag-try ng gwapong dyowa; mas gaganda ang buhay ngayong hiwalay na kay Skusta Clee

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Xian Gaza nanganganib makasuhan ng cyber-libel sa pakikisawsaw kina Skusta Clee at Zeinab Harake?

Zeinab Harake inaming single pa rin: Looking for the right Mr. Black

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending