Zeinab Harake inaming single pa rin: Looking for the right Mr. Black | Bandera

Zeinab Harake inaming single pa rin: Looking for the right Mr. Black

Therese Arceo |July 08,2022
facebook
share this

Zeinab Harake inaming single pa rin: Looking for the right Mr. Black

Therese Arceo - July 08, 2022 - 07:09 PM

Zeinab Harake inaming single pa rin: Looking for the right Mr. Black

NILINAW ng social media influencer at vlogger na si Zeinab Harake na nananatili pa rin siyang single.

Mabilis kasing nag-viral ang kanyang tweet kung saan nag-post siya ng larawan ng dalawang tao na magkayakap ngunit hindi kita ang mukha.

Agad na mahahalatang si Zeinab ang babaeng nakatalikod ngunit naging palaisipan sa mga netizens kung sino ang lalaki na kayakap nito.

Bukod pa rito, na-curious rin ang kanyang mga followers dahil na rin sa sinabi niya sa tweet na ” Looking for the right mr.black? shh.”

Inakala ng madlang pipol na sa wakas ay nakahanap na si Zeinab ng bagong magpapatibok ng kanyang puso matapos ang kanilang paghihiwalay ng ama ng kanyang anak na si Skusta Clee.

Dumagdag pa rito ang pagkalat ng video kung saan nakaharap na ang lalaki sa camera at nilapitan siya ng vlogger para yakapin.

Ngunit agad ring pinabulaanan ni Zeinab ang kumakalat na chika na may boyfriend na siya sa kabila ng pagiging sweet sa lalaking nakaitim na pinili niyang huwag na lang pangalanan.

“La pako jowa ha kumalma kayo dami nyo kasi issue. Makasama ko lahat issue sa inyo eh,” saad niya sa kanyang tweet.

Dagdag pa ni Zeinab, “Kalmahan lang natin pano maluluto good lovelife ng ina nyo nyan?”

Vocal naman ang sikat na vlogger sa kanyang mga YouTube videos na ang focus niya ngayon ay ang sarili ang ang kanyang mga anak na si Bia at Lucas.

Kamakailan naman nang humingi ng tawad sa kanya ang dating partner at ama ni Bia na si Skusta Clee sa naganap nitong pag-iwan sa kanilang mag-ina.

“Okay, sa mga na-disappoint, sorry, sorry. My bad, sorry, akin. Nagkamali ako, sorry. Pinagsisihan ko naman ‘yon, mukha lang talagang hindi kasi kailangan kong mag-move on na din sa buhay,” saad ng miyembro ng Ex-Battalion.

“Sa nanay ng anak ko, siyempre sa anak ko. Lalo sa nanay ng anak ko, nakikita ko na okay na siya ngayon, which is good, mas okay ‘yun. Mas masaya pag mas masaya siya. Mas importante ‘yun. Ako all goods lang ako. Tuloy lang sa buhay,” dagdag pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Donnalyn Bartolome may pakiusap sa netizens para kay Zeinab Harake: Be kind

Para kay Skusta Clee nga ba ang hugot ni Zeinab Harake na ‘Make sure you’re a good man’?

Ogie Diaz pinayuhan sina Zeinab at Skusta, ‘wag nang idamay ang anak sa iskandalo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending