Ivana Alawi ikinumpara sa 'bulalo' sina Gerald Anderson at Sam Milby | Bandera

Ivana Alawi ikinumpara sa ‘bulalo’ sina Gerald Anderson at Sam Milby

Reggee Bonoan |May 24,2022
facebook
share this

Ivana Alawi ikinumpara sa ‘bulalo’ sina Gerald Anderson at Sam Milby

Reggee Bonoan - May 24, 2022 - 03:05 PM

Sam Milby, Ivana Alawi at Gerald Anderson

“NAGPA-OO sa akin, siguro ang ABS-CBN at kapag gumawa sila ng teleserye ay class at hindi ako nag-aalala sa itsura ko or sa story kasi kapag gumawa ang ABS worldclass talaga.”

Ito ang diretsong sagot ni Ivana Alawi sa tanong namin kung ano ang nagpa-oo sa kanya para tanggapin ang bagong Kapamilya serye na “A Family Affair.”

Nakausap si Ivana sa solo zoom mediacon niya kaninang tanghali para sa “A Family Affair” mula sa Star Creatives na idinirek nina Jerome Pobocan at Raymund Ocampo.

Mahigit dalawang taon kasing hindi gumawa ng TV series si Ivana na inamin naman niya na dapat sana ay may gagawin na siya noon pero hindi na siya tumuloy dahil ito ‘yung nagkaroon ng nationwide lockdown.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)


Apat na aktor ang kasama niya sa serye tulad nina Sam Milby, Jameson Blake, Jake Ejercito at Gerald Anderson kanino siya naging close o nakakausap niya kapag off camera at paano niya ilalarawan ang apat.

“Lahat kami (close) hindi lang isang tao kasi kapag nagte-taping kami grupo talaga kami at lagi kaming magkasama, so, lahat sila ka-close ko talaga kahit sa group chat namin, lahat equally,” sagot ng aktres.

Kung ikukumpara sa ulam ang apat na binatang kasama ni Ivana sa “A Family Affair” ay bulalo sina Sam at Gerald, barbeque si Jake at kare-kare naman si Jameson na hindi naman ipinaliwanag kung bakit.

Pero sa ugali ay, “Very professional pagdating sa work si Gerald, sobrang bait at very maalaga sa co-stars niya sa lahat, actually lahat sila very maalaga.

“Si Sam naman mapagbiro at very welcoming, gusto niya kumportable ka ayaw niya ng may ilangan and he’s gonna do anything na mapasaya at mapatawa ka ganu’n.

“Sina Jake at Jameson pareho silang very mabait parang mga kapatid, ganu’n sila,” aniya pa.

Inamin din ng dalaga na noong wala pa siya sa showbiz ay super crush niya si Sam at pinapanood nito ang mga pelikula ng aktor kaya naman nang sinabing makakasama niya sa serye ay sobra siyang kinabahan kasi nga crush niya at baka ma-intimidate siya.

“Kabaligtaran lahat (naisip niya).  Kay Sam ako kumakapit kapag nahihirapan ako o hindi ako maka-arte. Very supportive talaga, sabi ko ‘Sam nahihirapan ako.’

“So, pinag-uusapan namin ‘yun (experiences) ni Sam kasi pareho kaming nawalan ng tatay, so, pag kinukuwento ko napi-feel ko ulit ‘yung emotions. Tapos si Sam tatanungin niya, “What can I do to help?’ Very maalaga.

“Tapos si Gerald nu’ng nalaman niyang tatakbo ako ng naka-paa lang winalis niya ‘yung daan, sabi ko winalis na nila (staff), sabi niya, ‘wawalisin ko ulit.’ Kaya sabi ko, ang bait naman,” paglalarawan pa ni Ivana sa dalawang aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, wala pang ibinigay kung kailan ang airing ng “A Family Affair” pero siniguradong mapapanood ito sa primetime sa Kapamilya network channel.

Ivana walang kalandiang dyowa: Hindi ako naghahanap, hindi rin ako nagmamadali

Hugot ni Catriona ngayong b-day ni Sam: So sad I can’t be with you today

Sharon atat na atat nang gumawa ng mas maraming pelikula: Kahit ako na ang mag-produce!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending