Ivana Alawi tinupad ang ‘dream destination’ ng ina, pinagkaguluhan ng mga Pinoy sa Paris | Bandera

Ivana Alawi tinupad ang ‘dream destination’ ng ina, pinagkaguluhan ng mga Pinoy sa Paris

Pauline del Rosario |April 22,2023
facebook
share this

Ivana Alawi tinupad ang ‘dream destination’ ng ina, pinagkaguluhan ng mga Pinoy sa Paris

Pauline del Rosario - April 22, 2023 - 12:52 PM

Ivana Alawi tinupad ang ‘dream destination’ ng ina, pinagkaguluhan ng mga Pinoy sa Paris

PHOTO: Screengrab from YouTube/Ivana Alawi

TILA naging tourist destination ang peg ng aktres at Youtube vlogger na si Ivana Alawi nang magpunta siya sa Paris, France dahil hanggang doon ay pinagkakaguluhan siya ng maraming Pinoy.

Mapapanood sa YouTube vlog ni Ivana na habang namamasyal siya sa sikat na tourist spot ng Paris, ang “Eiffel Tower,” ay marami pa rin ang nagpapa-picture sa kanya.

Anyway, kaya naman napunta siya sa nasabing lugar ay para matupad ang isa sa “dream destination” ng kanyang ina na si Mama Alawi.

Halos abot tenga pa nga ang ngiti ng kanyang ina nang makarating sa Paris at enjoy na enjoy ang view ng Eiffel Tower.

Kasama rin pala nila ang bunsong kapatid ni Ivana na si Mona na pak na pak ding umawra habang nagpapa-picture sa lugar.

Sey pa ni Mama Alawi sa kanyang dream destination, “Merong kakaiba sa kanya e.”

Baka Bet Mo: Ivana Alawi hindi pa ready makipag-date: Natatakot ako sa mga napapanood ko

“Pag nasa malayo siya, parang ang liit liit lang. Pero pag habang lumalapit ka, parang may magis siya, may something na kakaiba,” paliwanag niya.

Sambit pa ng ina ni Ivana at Mona, “Alam mo, sana everyone magkaroon ng chance na makapunta dito. Kakaiba siya talaga. Ang ganda!”

Sabi pa ni Ivana, “Ever since kahit dati, dream talaga ni mama na makita ‘yung Eiffel Tower.”

Bukod din sa mga mga restaurant at cafe ay binisita rin ng mag-iina ang Louvre Museum, ang national art museum ng Paris.

Maraming netizens ang napa-comment sa nasabing video at napa-sana all sa naging getaway ng tatlo.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Wow, sana all makapunta ng Paris. It would be a dream come true. Alawi fam is an inspiration.”

“Itong familia na ‘to ang sobrang humble kahit sikat at malayo na ang nararating kaya super bless din sila…”

“Ang saya panoorin ng vlogs ni Ivana. I hope soon makapunta din kami ng fam ko sa mga bansa na pinapangarap namin.”

As of this writing, isang araw pa lang uploaded ang YouTube video at umaani na ito ng mahigit one million views.

Related Chika: 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Walang ‘final destination’ ang pag-ibig, dumadaan tayo sa parehong emosyon – Jeremy G

Pagpo-propose ni Xian kay Kim sa Paris fake news: ‘Walang ganu’n…ang mahalaga mahal na mahal namin ang isa’t isa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending