Walang 'final destination' ang pag-ibig, dumadaan tayo sa parehong emosyon - Jeremy G | Bandera

Walang ‘final destination’ ang pag-ibig, dumadaan tayo sa parehong emosyon – Jeremy G

Ervin Santiago - February 14, 2022 - 06:32 AM

Jeremy G

IDINAAN ng Kapamilya singer na si Jeremy G sa paggawa ng kanta ang mga pananaw niya sa pag-ibig na maririnig sa unang extended play (EP) niya na “Maybe Forever.”

Tinatalakay sa EP ang iba’t ibang stage ng pagmamahal. Aniya, “Kapag pinakinggan n’yo lahat ng kanta, mare-realize n’yo na dumadaan tayo sa parehong emosyon. 

“Tungkol ang mga kanta sa pag-asa at sa pag-iisip kung tama ba ‘yung ginawa mo or ‘yung mga nangyari sa ’yo,” aniya pa.

Dagdag ng binata, ipinapakita rin sa EP na walang isang “final destination” ang pag-ibig at hindi ito kagaya ng iniisip ng marami na simpleng nagsisimula sa pagkakilala ng dalawang tao, dadaan sa pagsubok, at magkakaroon ng “happily-ever-after.”

Kasama sa “Maybe Forever” EP ang limang orihinal na kanta kung saan apat sa mga ito ay composer at co-producer si Jeremy kabilang na ang pre-release single na “Someday” at “Who Knows,” “Forever Maybe,” at ang key track na “Sunflower.” Kasama rin ang komposisyon ni Trisha Denise na “By Your Side” sa album na ipinrodyus ni Star Pop head Rox Santos.

Paliwanag ni Jeremy, para sa mga natatakot na sumubok magmahal ang “Who Knows” habang tungkol naman ang “By Your Side” sa pagsasabi sa mga minamahal mo kung gaano sila kahalaga sa buhay mo.

View this post on Instagram

A post shared by Jeremy Glinoga (@imjeremyg)


Samantala, nagpapahayag naman ng pag-asa para sa long distance relationship ang “Someday.” Isang kanta naman para sa mga heartbroken ang “Sunflower” habang para naman sa mga naghahangad pa rin makasama sa hinaharap ang ex nila ang awiting “Forever Maybe.”

Bukod sa kanyang debut EP at pagiging regular performer sa “ASAP Natin ‘To,” ipakikita rin ng dating “The Voice Teens” finalist ang kanyang talento sa pag-arte sa ABS-CBN at iQiyi production na “Lyric and Beat” kung saan makakasama niya sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Darren Espanto, AC Bonifacio, Angela Ken, Sheena Belarmino, at iba pa.

Samahan si Jeremy sa iba’t ibang mukha ng pag-ibig at pakinggan ang kanyang debut EP na “Maybe Forever” sa digital music platforms worldwide. 

Abangan din ang music video ng “Sunflower” ngayong araw, Peb. 14, 12 midnight sa ABS-CBN Star Music YouTube channel. 

https://bandera.inquirer.net/302972/cristy-fermin-masaya-sa-bagong-pag-ibig-ni-nadine-she-deserves-to-be-happy

https://bandera.inquirer.net/290537/pia-binalikan-ang-first-date-nila-ni-jeremy-sumama-agad-magkape-binigay-agad-ang-number

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/281748/gerald-reynang-reyna-ang-turing-kay-julia-marami-nang-isinakripisyo-dahil-sa-pag-ibig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending