Ivana Alawi hindi pa ready makipag-date: Natatakot ako sa mga napapanood ko | Bandera

Ivana Alawi hindi pa ready makipag-date: Natatakot ako sa mga napapanood ko

Therese Arceo |April 05,2023
facebook
share this

Ivana Alawi hindi pa ready makipag-date: Natatakot ako sa mga napapanood ko

Therese Arceo - April 05, 2023 - 10:29 PM

Ivana Alawi hindi pa ready makipag-date: Natatakot ako sa mga napapanood ko

MUKHANG mas nae-enjoy ng vlogger-actress na si Ivana Alawi ang maging single at wala pa itong balak makipagrelasyon.

Sa kanyang latest vlog kung saan nagpatanggal siya ng kanyang wisdom tooth ay nagkaroon ng pagkakataon ang aktres kasama ang bunsong kapatid na Mona na magkaroon ng mini question & answer patungkol sa kanilang mga buhay.

Dito nga ay inusisa ni Mona kung kumusta na ba ang kanyang Ate Ivana at kung may kasalukuyan ba itong karelasyon.

“Ate, ang daming nagtatanong, sino ang ka-date mo ngayon?” tanong ni Mona.

Biro naman ni Ivana, “Tusukin ko ‘yang mata mo. Di mo makita Black Pink talaga, day.”

“Wala na talaga, as in dinner, wala na talaga. Pero merong texts. Pero dinner, lumalabas, hindi pa,” seryosong sagot ng dalaga.

Pag-amin ni Ivana, hindi pa siya handang pumasok sa isang relasyon.

“Siguro next year na pag medyo ready na. Wow, di pala ready,” hirit ng dalaga.

Baka Bet Mo: Ivana handang ubusin ang pera para gumaling ang kapatid: Umiiyak na lang ako, sabi ko ‘Mona, lumaban ka!’

Ani Ivana, medyo natakot siya sa mga nababalitaan niya kaya naman hindi muna niya naiisip ang makipagrelasyon.

“Wala lang natatakot lang talaga ako sa mga napapanood ko at nakikita ko, ‘yung mga naghihiwalay,” sey ng dalaga.

Ibinalik naman ni Ivana ang tanong kay Mona kung may nanliligaw na sa kanyang kapatid.

“May nanliligaw na sa ‘yo? Subukan mong magsinungaling,” nakangiting banta niya sa bunsong kapatid.

Pag-amin ni Mona, mayroon naman daw nag-try pero hindi niya ito kilala.

Tila na-back to you naman ni Ivana si Mona dahil naging sunud-sunod na ang mga tanong nito patungkol sa pagkakaroon ng lovelife.

Tinanong rin niya ito kung kailan nito balak magka-dyowa.

“Kapag tama na ang panahon,” sagot ng kapatid ni Ivana.

Pagpapatuloy nito, “Wala akong ideal age. Kung kailan ako makakilala ng if maganda ang connection [namin]… like nagtutugma ‘yung mga [gusto n’yo]… ‘yung vibes, ganon. Like ‘yung ugali, personality. Kung dumating? E di dumating.”

Huling naugnay si Ivana sa Kapamilya actor na si Joshua Garcia matapos nitong aminin na crush niya ang aktor.

Naugnay rin siya noon kay Marco Gumabao ngunit dinenay nila na mayroong “something” sa pagitan nilang dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ivana sinorpresa ng bahay at lupa ang ina at bunsong kapatid: I’m so happy kasi matutupad ‘yung isa sa dream ko

Ivana game na game na nagtinda ng street food; mga customer binigyan ng pera

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending