Ivana sinorpresa ng bahay at lupa ang ina at bunsong kapatid: I'm so happy kasi matutupad 'yung isa sa dream ko | Bandera

Ivana sinorpresa ng bahay at lupa ang ina at bunsong kapatid: I’m so happy kasi matutupad ‘yung isa sa dream ko

Therese Arceo |February 26,2022
facebook
share this

Ivana sinorpresa ng bahay at lupa ang ina at bunsong kapatid: I’m so happy kasi matutupad ‘yung isa sa dream ko

Therese Arceo - February 26, 2022 - 04:50 PM

Ivana sinorpresa ng bahay at lupa sina Mama Alawi at Mona

ISANG kalokohan na naman ang naisip ng Kapamilya actress at vlogger na si Ivana Alawi para sorpresahin ang kanyang ina at bunsong kapatid na si Mona.

Sa kanyang latest vlog ay isang bonggang prank na naman ang naisip ng aktres kung saan kasabwat niya ang nakatatandang mga kapatid na sina Amira at Hash Alawi.

Pagkukwento ni Ivana, bata pa lang siya ay ipinangako na niya sa kanyang ina na kapag dumating ang panahon na lumaki siya at magkaroon ng pera ay bibilhan niya ito ng sariling bahay.

“Noong 5 years old ako, naaalala ko sinasabihan ko si Mama, ‘kapag nagkapera at pagtanda ko, ikaw ‘yung una kong bibilhan ng bahay’. Tuwang tuwa siya,” saad ni Ivana.

Dagdag pa niya, “I’m so happy kasi matutupad ‘yung isa sa dream ko na mabigyan ang family ko ngsarili nilang bahay na pinaghirapan ko. Noong binili ko itong lupa na ‘to… na papatayuan ko ‘to ng bahay pero hindi ko sinasabi sa nanay ko na sa kanya ‘to. At hindi lang ‘yun,it’s for Mona and for Mama.”

Aniya, isa si Mona sa mga tumulong sa kanya kung bakit niya natatamasa kung ano siya ngayon sa pagba-vlog. Never rin daw nanghingi ng kapalit ang kanyang kapatid sa mga ginawa nito para sa kanya.

“Alam n’yo naman na bago ako magbigay ng isang bagay, gusto ko munang magpaiyak ng tao at i-prank kasi, that’s me,” masamang balak ni Ivana.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mona 🤍 (@_monaalawi)

Ang plano niya ay may kakatok sa kanilang bahay, mag-i-iskandalo at sasabihing pagmamay-ari nito ang bahay dahil ibinenta ito ni Ivana sa kanya habang kasalukuyan silang nagte-tape ng kanilang house tour vlog.

Ipapaalam niya kay Mona ang planong ito para kunyari ay kasali siya sa mga magpa-prank pero ang hindi alam ni Mona ay bukod sa kanyang ina ay siya rin ang may-ari ng bahay dahil sa kanilang dalawa inilipat ni Ivana ang titulo ng lupa.

Sa una ay masaya pa sila ngunit nang magsimula na ang prank ay makikita na ang gigil at galit sa mukha ng ina ng actress-vlogger.

Tinaningan pa sila ng 3 days ng nagpapanggap na may-ari para umalis sa bagong tayong bahay na mas lalong nagpa-frustrate sa ina ni Ivana.

“Kasi pirma ka nang pirma. ‘Yan ang ikapapahamak mo. Maski doon sa dating bahay, ganyan ang ginawa mo… Next time please, papakita mo muna. Kahit hindi na sa akin, kahit dyan na lang kay Amira,” sey ni Mama Alawi.

Sa huli ay pinili na lang ng ina na huwag patulan ang gawa-gawang iskandalo ng mga kasabwat ni Ivana at sinabing may karma naman daw.

Matapos ang ilang sandali ay ni-reveal na ni Ivana na prank lang ang lahat at inamin na para sa ina niya talaga ang bahay sabay pakita sa kanila ng kopya ng titulo.

“May isa pang na-prank. Basahin mo,” saad ni Mama Alawi sabay pakita ng papel kay Mona.

Naluha naman ng bunsong kapatid ni Ivana nang mabasa ang kanyang pangalan. Dito na rin ni-reveal ni Ivana na ang bedroom kung saan una siyang nag-shoot na mukhang ang master’s bedroom ay kwarto talaga niya at hindi sa actress-vlogger.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kamakailan lang rin nang i-celebrate ni Ivana ang kanyang bagong achievement sa YouTube matapos umabot ng 15 million ang kanyang subscribers.

 

Related Chika:
Ivana handang ubusin ang pera para gumaling ang kapatid: Umiiyak na lang ako, sabi ko ‘Mona, lumaban ka!’
Ivana ‘bumili’ ng luxury car sa halagang P11.5-M, ina galit na galit: Pwede n’yo pang isauli yan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending