Ivana 'bumili' ng luxury car sa halagang P11.5-M, ina galit na galit: Pwede n'yo pang isauli yan! | Bandera

Ivana ‘bumili’ ng luxury car sa halagang P11.5-M, ina galit na galit: Pwede n’yo pang isauli yan!

Reggee Bonoan |April 19,2021
facebook
share this

Ivana ‘bumili’ ng luxury car sa halagang P11.5-M, ina galit na galit: Pwede n’yo pang isauli yan!

Reggee Bonoan - April 19, 2021 - 04:21 PM

MAY kasabihan na “magbiro ka na sa lasing, huwag lang sa bagong gising.”

Ganito ang ginawa ng aktres at vlogger na si Ivana Alawi sa kanyang Mama Fatima na nabiktima uli ng bagong prank habang kagigising lang.

Sabi ni Ivana bumili siya ng luxury car na red Lamborghini na nagkakahalaga raw ng P13 million pero dahil sale kaya nakuha lang niya ito ng P11.5 million.

Ito nga ang latest vlog ni Ivana sa kanyang YouTube channel na mayroon nang 2.5 million views habang sinusulat namin ito.

Sa simula ay ikinuwento ng dalaga na dream car niya ang nasabing kotse at idiniliber sa bahay niya ng 6:30 a.m. na kaagad niyang ipinagmalaki sa kapatid na si Hash. Pinaandar niya ito pero nagulat sa lakas ng ugong kaya pinatay agad dahil baka magising ang nanay nila at mapagalitan sila.

Bago nai-deliver ang sasakyan ay nagpakita na siya sa mama niya ng mga larawan nito at tinatanong kung anong magandang kulay, pero inayawan ito ng nanay niya dahil mahal nga.

“Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nakita niyang naka-park na at binayaran ko na,” sambit ng dalaga.

Ipinakita ni Ivana ang maganda niyang sasakyan sa bunsong kapatid na si Mona na imbes na matuwa para sa ate ay napagsabihan pa siya.

“What’s that? Lambo?” tanong ng kapatid.

“Mura lang kuha niya,” sabi naman ni Hash.

“May mura bang ganyan?” balik-tanong ng bunso.

“Bakit parang hindi siya (Mona) masaya?” tanong ni Ivana.

Sumakay naman ang bagets at nagulat dahil lumubog siya at sumakay din ang ate Ivana niya at tinanong kung magkano ang bili na binanggit naman.

“Totoo? Seryoso ka ba rito? Ang laking decision ito, sure ka?” tanong ni Mona.

“Girl nandito na nabayaran ko na!” nakangiting sabi ni Ivana sa kapatid.

“Kasi bakit hindi mo kami sinabihan? Ang dami mong puwedeng gawin sa 11.5 milyon kesa sa kotse,” katwiran ni Mona.

Giit ni Ivana, “Girl marami tayong mapupuntahan dito sa 11.5 milyon!”

Hirit ng kapatid, “Marami rin naman tayong napupuntahan doon sa van?  Isipin mo ‘yung mga puwede mong tulungan? Tsaka investment sa ganu’n pera?”

Nalungkot naman ang kilalang YouTuber, “Grabe siya, akala ko matutuwa siya (Mona)?”

“I mean maganda but I don’t think it’s smart decision ngayon,” saad ni Mona.

“So, you’re saying I’m bobo in my decision?” tanong ni Ivana.

“Oh no! I did not say that! Just saying I don’t think it’s smart to spend 11.5 million right now,” paliwanag ng kapatid.

“I’m happy because dream car natin mga ganito, di ba? But I don’t think it’s the right time to buy something like this,” malumanay na katwiran ulit ni Mona.

Dagdag pa, “Hindi nga tayo puwedeng lumabas, paano ‘yan para sa garahe lang.”

Pagkatapos ng maraming diskusyon ay sinabi ni Ivana na prank lang at nakigarahe lang sa kanila ang kapitbahay nila ay ang saya-saya na ni Mona at muli siyang sumakay sa mamahaling sports car.

Ang Mama Fatima naman nila ang sunod na ipa-prank na bagong gising at naghihilamos pa ng sunduin ito ni Mona sa banyo sa kuwarto nito.

“Tingnan mo lang matutuwa ka,” giit ni Mona sa ina na ayaw pa sanang bumaba.

At nang makita na ng mama nila ay naglulundag sa tuwa si Ivana at sabay sabing, “ang ganda ‘no?” Sinabayan din ni Mona sa pagsabing, “Ang ganda.”

Pero nakasimangot ang nanay nila habang sinisipat-sipat ang magarang sasakyan, “Talagang kailangan pandemic ka bibili?” tanong ng mama ng magkakapatid.

Sabi ni Ivana, “Ma, Lamborghini.”

“Alam kong Lamborghini ‘yan, o di mahal ‘yan?” tanong ng ina.

“Ma, nabili ko ng sale, sabi mo kasi pag sale bilhin ko na, nakuha ko lang ng 11.5 milyon,” masayang sabi ng dalaga.

“Tinawag mo ako para d’yan?” iritang tanong ni Mama Fatima.

Sabi pa niya, “Sana naman (saka na lang). Pandemic ngayon, ang daming nangangailangan ng tulong. Takaw mata ‘yan sa tao, Diyos ko, madedelikado ka pa n’yan. Alam mo, ang daming taong matutulungan oh (habang tinitingnan ang sasakyan).”

“Puwede pa naman akong tumulong kahit may Lamborghini? Sakay ka Ma, baka sakaling magbago (isip mo),” sabi ni Ivana.

Pero hindi sumakay ang ina, “Hindi ako materyosong tao. Puwede namang bumili ng iba (kotse), huwag naman ganyan saka ang taas ng maintenance n’yan. Tapos pandemic? Hindi mo ba naintindihan ang pandemic?”

Ipinasasauli na ng mama ni Ivana ang sasakyan kahit pa sinabing nabayaran na niya at in-explain na hindi nagre-refund, “Puwede mong isauli pa ‘yan, tawagan n’yo muna,” giit ng ina.

May tinawagan si Ivana na at naka-speaker phone kaya naririnig ng mama niya at ipinakausap pa sa ina na ibabalik na ang nasabing sasakyan pero hindi na raw puwede.

Pero kung isasauli talaga ay 50% lang ang maibabalik na ikinagulat ng nanay nito dahil mahigit five milyon ang mawawala.

“Ano? Bakit ganu’n? 50%?” sabi ng mama ni Ivana habang kausap ang nasa kabilang linya.

“Ma ‘wag mo pagalitan ako na nga ang nakikiusap,” sabi ng dalaga.

“Saan ka nakakita ng 50%? Baka ipa-Tulfo ko siya?” sagot ng ina.

Galit na galit na ang mama ni Ivana at desididong dalhin ang problema kay Raffy Tulfo.

“Hindi naman tamang limang milyon ang babawasin? Ilang tao na ‘yung matutulungan mo no’n?” katwiran nito.

Dagdag pa, “Mariam next time hindi ka dapat nag-i-invest ng material na bagay.”

“San ako dapat mag-invest?” tanong ni Ivana.

“Sa pag-explore ng mga lugar-lugar, sa pagtulong sa mga tao.  ‘Wag naman ganyan, masyadong flashy, masyadong show-off.  Hindi advisable ang mga Lamborghini, ghini, gini na ‘yan. Sa trapik na ‘yan mada-drive mo yan?” paliwanag ng mama ng aktres.

Dagdag pa, “E, nandiyan na ‘yan, ano pang magagawa.”

Sabay aya ni Ivana na mag-drive sila at sakay ang ina.

“Hindi na, kayo na lang, mag-drive ka sa Edsa. Mag-race ka, tnignan mo kung makaka-race ka sa Edsa,” sabi pa ng ina.

Marami pang diskusyong nangyari hanggang sa sinabi na nga ng magkakapatid na, “It’s a prank!”

Hayun, nasapok sila ng nanay nila, “Kakagising ko lang, abnoy kayo!” sabi ni Mama Fatima.

Sabay tanong ng, “Bakit naka-park diyan?”

“Naki-park lang ang kapitbahay. Smile ka na,” sabi ng dalaga pero binatukan siya ng ina.

At ang pangako ni Ivana, “Ma, bibili lang ako ng Lamborghini kapag lahat kayo may bahay na, promise!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Humingi naman ng dispensa ang mama ni Ivana sa kausap nilang babae kanina na isusumbong pa kay Tulfo dahil kaibigan pala nila iyon at kasintahan ng videographer nila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending