Ivana handang ubusin ang pera para gumaling ang kapatid: Umiiyak na lang ako, sabi ko 'Mona, lumaban ka!' | Bandera

Ivana handang ubusin ang pera para gumaling ang kapatid: Umiiyak na lang ako, sabi ko ‘Mona, lumaban ka!’

Therese Arceo |October 14,2021
facebook
share this

Ivana handang ubusin ang pera para gumaling ang kapatid: Umiiyak na lang ako, sabi ko ‘Mona, lumaban ka!’

Therese Arceo - October 14, 2021 - 02:21 PM

Kasama ni Ivana Alawi ang kapatid na si Mona Alawi. Parehas silang nakakulot ang buhok at nakasuot ng parehas ngunit magkaibang kulay na damit.

Ivana Alawi at Mona Alawi

EMOSYONAL si Ivana Alawi nang mapag-usapan ang matagal nang kadamdaman ng kapatid nitong si Mona Alawi sa panayam niya sa talent manager na si Ogie Diaz.

Hindi naman sikreto sa publiko na mayroong Type 1 diabetes ang dating child star.

Sa edad na walo, may sakit na ito at nag-i-insulin na. Paminsan pa nga ay siya na mismo ang nag-i-inject nito sa sarili niya.

Kuwento ni Ivana, hanggang ngayon raw ay patuloy silang naghahanap ng mas better na treatment para sa kapatid.

“Minsan nga sinasabi ni Mona, ‘Ate tama na. Ang mahal nito, ang mahal ng ganyan’. Sabi ko, ‘Mona, kaya nga ako (nagtatrabaho) because I want to give you the best’.

“Bakit pa ako nagtatrabaho kung hindi ko naman ibibigay sa pamilya ko,” saad ng sexy actress.

Aniya, hindi niya kailangan ng pera at handa siyang ubusin ito para lang sa kapakanan at kalusugan ng kaniyang buong pamilya.

“That’s what inspires me. Mona, my mom, my brother, my sister.” dagdag pa niya.

Bukod dito naniniwala rin ang aktres na isang araw, gagaling ang kapatid.

Ngunit minsan ay hindi rin maiwasan ng aktres na maiyak at malungkot lalo na sa tuwing nakikita niyang nahihirapan na ang kapatid sa sakit nito.

“Umiiyak na lang ako. Sabi ko ‘Mona, lumaban ka!’ Kasi minsan may mga time na pinanghihonaan siya ng loob, na parang puro sakit. Everyday, all she feels is pain,” pagbabahagi pa niya.

Hindi rin daw niya kakayanin sakaling mawala ang kapatid kaya lagi niya itong sinasabihan na lumaban.

Pakiramdam niya ay kung sakaling lisanin siya nito, mawawala na ang kwela at masayahing Ivana dahil hindi siya makaka-move on sa pagkawala nito.

Si Mona ang bunsong kapatid ni Ivana. Naging artista rin ito at nakilala sa kaniyang mga teleseryeng “Munting Heredera”, “Aso ni San Roque”, at “Luna Blanca”.

Siya rin ang isa sa mga nagpursige sa aktres na pasukin ang mundo ng pagba-vlog.

Mayo 2021 naman nang ibinahagi nilang magkapatid ang tunay na dahilan kung bakit biglang hindi na kasama si Mona sa mga vlogs ng kapatid.

Na-diagnose kasi ito ng diabetic neuropathy, isang uri ng nerve damage sa mga may sakit na diabetes. Nangyari ito dahil nanibago ang kaniyang katawan matapos nitong ma-control ang kaniyang sugar levels.

Normal naman daw ito dahil natural lang ang naging reaksyon ng katawan dahil sa drastic change sa kaniyang sugar level.

Sa ngayon ay okay na ulit si Mona dahil madalas na ulit siyang maging bahagi ng vlogs nv kapatid.

Masaya rin si Ivana dahil muling gumaganda ang pakiramdam ni Mona.

Ayon nga rin sa naging interview ni Ogie sa aktres, nagiging normal nang muli ang lagay ng kapatid nang magpa-blood test ito.

“Never lose hope because marami tayong pinagdaraanan and itong pandemic, isa ito sa mga struggles natin that we will overcome and we will become stronger,” ito naman ang mensahe ng aktres sa mga taong may pinagdadaanan lalo na ngayong pandemya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaugnay na ulat: Nakakakilabot ang nangyari kay Mona Alawi: Hindi ko pa oras, hindi pa pwede…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending