Nakakakilabot ang nangyari kay Mona Alawi: Hindi ko pa oras, hindi pa pwede... | Bandera

Nakakakilabot ang nangyari kay Mona Alawi: Hindi ko pa oras, hindi pa pwede…

Ervin Santiago |August 25,2021
facebook
share this

Nakakakilabot ang nangyari kay Mona Alawi: Hindi ko pa oras, hindi pa pwede…

Ervin Santiago - August 25, 2021 - 10:09 AM

Ivana Alawi at Mona Alawi

MARAMI ang natutuwa at naaaliw sa magkapatid na Ivana at Mona Alawi, lalo na sa kanilang mga prank videos sa YouTube.

Kaya naman talagang sinusubaybayan ng madlang pipol ang kanilang vlogs lalo na ang mga ina-upload nilang prank videos na naghahatid ng good vibes sa mga netizens.

Pero bukod dito, marami rin ang nai-inspire sa mga vlogs nina Ivana at Mona kung saan ipinakikita naman nila ang pagtulong at pagse-share ng blessings sa mga taong nangangailangan.

Ilang beses nang namigay ng ayuda at pera si Ivana sa mga taong nasa kalye at halos lahat ng mga ito ay nag-viral sa social media kabilang na ang pagtulong niya sa isang puto-kutsinta vendor.

Nitong nagdaang araw naman, mabilis ding umabot sa milyun-milyon views ang vlog ni Ivana sa birthday surprise nila para sa younger sister niyang si Mona.

Nag-celebrate ng kanyang 17th birthday ang dalagita nitong nagdaang Aug. 19 at sinorpresa nga siya ng kanyang pamilya. Sabi ni Ivana, “Birthday ng ating baby girl. Hindi kami makalabas pero mag-celebrate na lang kami nang very simple.

Kahit daw ayaw ni Mona na mag-party, kahit paano’y pinaghandaan naman daw nina Ivana ang kanyang very speciap day, “Ayaw niya gumastos, mas gusto niyang ipamigay na lang sa inyo. Ayaw niya ng set-up.”

“We’ll have a simple celebration, ayaw niya rin ng gifts. Pero as a strong girl, deserve niyang mabalik man lang sa kanyang kaarawan kahit konti ang pagpapasaya niya sa amin at sa inyo. She’s my baby girl, and she’ll always be our baby girl,” aniya pa.

Mangiyak-ngiyak naman si Mona nang kantahan ng “happy birthday” ni Ivana kasama ang brother nilang si Hash Alawi at Mommy Fatima sabay bigay ng regalo nilang PlayStation 5.

“Sabi ko naman kahit wala ng gift basta magkakasama tayo,” ani Mona.

Sagot naman ni Ivana aa kapatid, “Girl, deserve mo ‘yan, birthday mo. ‘Wag kang magisip ng mahal. Matagal niya ng gusto ng PS5.”

Naging emosyonal naman si Mommy Fatima nang magbigay ng mensahe sa anak, “Good health, sana gumaling na siya talaga. Kasi, guys, kapag nanay ka ang bigat sa dibdib. Pagaling na sana siya ni God, total healing for you.”

Hanggang ngayon ay patuloy na nakikipaglaban si Mona sa Type 1 Diabetes at kamakailan nga lang daw ay may nangyaring ikinabahala talaga ng buong pamilya.

“Natakot ako mga two weeks ago, kamuntik-muntikan…sobrang lamig na ng kamay niya. Kapag nakatayo siya, wala, bumabagsak na siya,” sabi ni Mommy Fatima.
Kuwento naman ni Mona, “Sobrang bumagsak ‘yung blood sugar ko nu’n kasi sumobra ‘yung nilagay kong insulin.

“Akala ko at that time inaantok lang ako so nagko-computer pa ako. Sabi ko, sige, hihiga na lang ako.

“After noon, nagulat ako, akala ko nananaginip ako kasi nakikita ko ‘yung sarili ko, pinipilit ako ni Mama na uminom ng sugar kasi kapag mababa kailangan liquid ‘yung inumin mo para mabilis siyang umakyat.

“Sabi ko parang ngayon lang ako nanaginip ng ganito, hinihintay ko na lang na magising ako.

“Ilang minutes later, nalaglag ako sa kama kasi tina-try kong gumalaw pero wala akong control over my body. ‘Tapos sabi ko wait lang akala ko panaginip…hindi ko kaya kahit small movements, doon ako natakot,” lahad pa ng dating child star.

Sey naman ng nanay ni Mona, “Parang ‘yung kaluluwa nasa labas na para panoorin ‘yung sarili mo. Yun ang nakakakilabot.”
Sey ni Ivana, “Ako nga nagulat ako sa kanya, sabi niya sa akin, ‘Ate ni-reject ako ni God.’ Sabi ko sa kanya hindi ka pa talaga kukunin ni God.'”

Sumang-ayon naman si Mona sa sinabi ni Ivana, “Hindi ko pa oras, hindi pa pwede.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa isang bahagi naman ng vlog, ngayong 17 na ang anak pinaalalahanan ni Mommy Fatima si Mona sa pagpili ng magiging dyowa, “Kapag maghahanap ka ng boyfriend mo sisiguraduhin mo ‘yung aalagaan ka.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending