Jake Ejercito napagkamalang si Jak Roberto: Paki-unsint a message na lang po | Bandera

Jake Ejercito napagkamalang si Jak Roberto: Paki-unsint a message na lang po

Therese Arceo - July 28, 2023 - 05:23 PM

Jake Ejercito napagkamalang si Jak Roberto: Paki-unsint a message na lang po

ALIW ang naging reaksyon ng Kapamilya actor na si Jake Ejercito sa isang larawan na itinag sa kanya ng netizen.

Ibinahagi ng aktor sa kanyang Facebook page ang screenshot ng post ng isang netizen na naglalaman ng larawan nito noong Sinulog Festival kasama ang ilang artista.

“Late upload kau ey. Jake Ejercito & Gabriel Valenciano,” saad nito sa caption.

Ngunit ang nasa larawan ay ang Kapuso actor na si Jak Roberto at hindi ang ama ni Ellie.

“Gusto ko naman talaga makapag-Sinulog ulit. Pero sumobra kayo ng isang letter, iba tuloy na-tag,” pabirong saad ni Jake.

Baka Bet Mo: Jake Ejercito na-fall sa taong hindi gusto ng pamilya: Mahirap siya, but you have to follow your heart…

“Paki-unsint a message na lang po,” dagdag pa niya.

Bet rin niya na makilala in person ang taong napagkamalang siya sa larawan.

“Hope to meet you soon, brother Jak Roberto,” sey pa ni Jake.

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa mga netizens at maging ang taong nag-tag sa Kapamilya actor ay nag-comment rin.

“ito kasi lumabas HAHAHA TULOY NA PINDOT KO PO ANG NAME NYO HAHAHHA,” saad nito sabay pakita ng screenshot kung saan magkasunod ang pangalan nila Jake at Jak.

Reply naman niya, “ambot. Invite mo na lang ako next Sinulog.”

“ahahaha….zinoom ko pa talaga at hinanap kita Jake Ejercito kaso wala talaga e,” comment ng isang netizen.

Sabi naman ng isa, “Not the unsint message reference. Funny mo. Hahahaha!”

“Ikaw na ngayon ang bagong boyfriend ni barbie forteza. mr.jak roberto,” hirit naman ng isa kay Jake.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa ng isang netizen, “HAHAHAHAHHA kelan kapa naging jak. Di bale parehas naman papi and pogi.”

Related Chika:
Barbie sa pagmo-motor ni Jak: Sasabihin niya, ‘Mas madaling mag-sorry kesa magpaalam,’ kaya ginagawa niya muna tapos nagso-sorry

Jake Ejercito pinuri ni Lolit Solis: Suwerte ang magiging asawa niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending