Jake Ejercito na-fall sa taong hindi gusto ng pamilya: Mahirap siya, but you have to follow your heart... | Bandera

Jake Ejercito na-fall sa taong hindi gusto ng pamilya: Mahirap siya, but you have to follow your heart…

Therese Arceo |June 09,2022
facebook
share this

Jake Ejercito na-fall sa taong hindi gusto ng pamilya: Mahirap siya, but you have to follow your heart…

Therese Arceo - June 09, 2022 - 12:13 PM

Jake Ejercito na-fall sa taong hindi gusto ng pamilya: Mahirap siya, but you have to follow your heart...

INAMIN ng Kapamilya actor na si Jake Ejercito na minsan sa kanyang buhay ay na-in love siya sa isang babae na hindi gusto ng kanyang pamilya.

Sa kanyang guesting sa “Magandang Buhay” kasama ang kanyang co-actors sa bago niyang teleseryeng “A Family Affair”, nagkaroon sila ng laro na tinatawag na “Never Have I Ever”.

Dito nga ay natanong ang mga bida sa teleserye na sina Jake, Ivana, Gerald, at Jameson kung mayroon na ba silang pagkakataon na “umibig sa isang taong hindi boto ang family ko”.

Nang makita ng isa sa mga hosts na si Melai na “I have” ang naging sagot ng aktor ay agad itong nag-usisa ito kung masakit ba ang magmahal ng taong hindi tanggap ng kanyang family.

“Mahirap siya. Mahirap siya but at the end of the day, you have to follow your heart, di ba? Happiness mo ‘yung importante and pag sinunod mo ‘yung happiness mo, susunod rin ‘yung maiintindihan ka rin ng family mo,” sagot ni Jake.

Tila may gusto pang malaman si Melai at tinanong kung nasaan na ngayon ang “minahal” ni Jake na hindi nagustuhan ng kanyang mga kaanak.

Hindi naman na nagbigay ng iba pang detalye ang aktor at tila ipinasa na sa co-star na si Ivana ang spotlight na tila umiiwas na maungkat pa kung sino nga ba ang tinutukoy ng aktor.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jake ejercito (@unoemilio)


Anyway, abangan si Jake sa bago nitong teleserye sa ABS-CBN na pinamagatang “A Family Affair” kung saan makakasama niya sina Ivana Alawi, Sam Milby, Gerald Anderson, at Jameson Blake.

Related Chika:
Jake nabiktima rin ng pambu-bully sa school: Kaya sanay na ako sa mga basher

Jake ayaw munang magkaroon ng ka-loveteam; idol sina Piolo, Coco at John Lloyd

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jake Ejercito 5 taon nang walang dyowa; payag makatrabaho sina Andi at Jaclyn

Jake Ejercito: Walang pagsisisi sa pakikipaglaban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending