Pagyakap ng afam kay Jak Roberto sa 2025 countdown nilagyan ng malisya
TALAGANG hahanap at hahanap ng isyu ang mga Marites sa biglaang paghihiwalay nina Barbie Forteza at Jak Roberto.
Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang video ni Jak sa kanyang Instagram page kung saan makikita siyang nagsasaya habang sinasalubong ang 2025.
Ito’y nangyari bago ilantad ni Barbie sa publiko noong January 2, 2025 ang paghihiwalay nila ng aktor sa pamamagitan ng kamyang Instagram page
January 1, 2025 nang ipost ni Jak sa IG ang mga video niya na kuha sa New Year’s Eve Countdown sa Ayala Avenue, Makati City, noong gabi ng December 31, 2024.
Baka Bet Mo: Barbie shookt sa chikang hiwalay na sila ni Jak: Dyusko! Tatawagan ko, inform ko siya agad para alam niya!
Makikita sa isang video clip ni Jak ang pagpe-perform sa event ni Gloc-9, Gary Valenciano kasama ang anak na si Gab Valenciano, at ang P-pop super group na BINI.
Kasama ang kanyang mga kaibigan, makikitang tumatalun-talon, nakikikanta at nakikisayaw pa si Jak sa mga performers on stage.
Pagsapit ng alas-12 midnight ng January 1, all smile si Jak sa pagbati ng “Happy New Year” sa kanyang mga IG followers.
View this post on Instagram
Kasunos nito, may nag-post sa Facebook ng screenshoot ng IG post ni Jak na mabilis kumalat sa social media kaya naman samu’t saring ispekulasyon at komento ang nabasa namin mula sa netizens.
May mga nagkomentong paano raw nagawa ni Jak na magpakaligaya noong New Year samantalang kakahiwalay pa lang pala nil ni Barbie.
Post ng netizen, “JAK ROBERTO NAGPA-PARTY HABANG SI BARBIE FORTEZA…Not to invalidate his feelings, pero si #JakRoberto spotted enjoying a New Year’s Eve Countdown Party in Ayala, Makati habang si BARBIE FORTEZA posibleng nagko-compose ng break-up announcement message sa Instagram.
“Maybe it’s Jak’s coping mechanism. Despite his party vibe, kita lungkot sa eyes,” hirit pa nito.
Komento naman ng isang tagasuporta ng ex-couple, “I’m fan of JakBie I feel sad for Jak omg kitang kita sa mga mata niya ang lungkot literal na eye’s can’t lie stay strong kuya Jak.”
Puna naman ng isa pang FB user, “Yun mata at mukha nya parang wala sa sarili cguro. Pinipilit nya lang sarili nya maging ok. Deep inside NO.”
May kumampi rin naman kay Jak, “Ako man ang ibreak bakit ako mag mumokmok, syempre. Mag wawalwal ako hinde para mag saya kundi para mabawasan ang sakit, yung piling na akala. Mo masaya pag titingnan mo xa pero ang totoo durog ang puso nyan.”
Bukod dito, nilagyan naman ng malisya ng ilang netizens ang pagyakap ng isang lalaking foreigner kay Jak nang batiin niya ito ng “Happy New Year” pagkatapos na pagkatapos ng countdown.
Ang nakakalokang comment ng isang FB user, “Jowa kasi ni Jack yung afam Hahahahaha.”
“Hahaha bading pala gusto di agad sinabe kay barbie,” sey ng isa pa.
“Ganyan kasaya kapag may mali ginawa tapos iniwan, porke babae una nang iwan nag fefeling victim na, pero ang tutuo siya ang may malaking kasalanan na ginawa mas ok nga si barbie mabait pa, kaya tama lang na naghiwalay sila at hindi sila bagay.”
Si Barbie ang unang nagsalita about the breakup sa pamamagitan ng IG. Aniya, “Having you in my life was the happiest I had ever been. Seven wonderful years. A lot of laughs, a lot of ramen and so much love.
“Your love was exceptional. But sometimes, good things fall apart so better things can come together.
“Beautiful goodbye, @jakroberto.
“Thank you for loving me the way you did. I am excited for what’s to come for the both of us. You take care of yourself. May you find the love you deserve.
“I hope for everyone’s understanding and I wish you can help us put this matter to rest.”
Feeling ng ilang fans, baka raw ang leading man ni Barbie na si David Licauco ang dahilan ng breakup dahil mukhang na-develop na raw ang mga ito sa isa’t isa.
Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa rin nagsasalita si Jak about the breakup. Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ng aktor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.