David Licauco winner ang pa-birthday surprise kay Barbie Forteza; may pa-cake na, kinantahan pa ng mga co-stars sa 'Maging Sino Ka Man' | Bandera

David Licauco winner ang pa-birthday surprise kay Barbie Forteza; may pa-cake na, kinantahan pa ng mga co-stars sa ‘Maging Sino Ka Man’

Ervin Santiago |August 01,2023
facebook
share this

David Licauco winner ang pa-birthday surprise kay Barbie Forteza; may pa-cake na, kinantahan pa ng mga co-stars sa ‘Maging Sino Ka Man’

Ervin Santiago - August 01, 2023 - 06:00 AM

David Licauco may pa-birthday surprise para kay Barbie Forteza; may pa-cake na, kinantahan pa ng mga co-stars sa 'Maging Sino Ka Man'

David Licauco at Barbie Forteza

KILIG much na naman ang mga fans and supporters ng phenomenal Kapuso loveteam na sina David Licauco at Barbie Forteza.

Sinorpresa kasi ng Pambansang Ginoo ang kanyang leading lady sa pictorial ng bago nilang teleserye sa GMA 7, ang TV remake ng blockbuster movie na “Maging Sino Ka Man” na ipinalabas noong dekada 90.

Ito’y pinagbidahan nina Megastar Sharon Cuneta at Sen. Robin Padilla na talaga namang tumabo nang bonggang-bongga sa takilya na ipinrodyus ng Viva Films.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kahapon, July 31, nag-celebrate ng 26th birthday ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie at nataon namang nasa pictorial nga ang dalaga ng GMA upcoming series na “Maging Sino Ka Man”.

Base sa nakita naming mga litrato at video sa social media ay makikitang nasa dressing room si Barbie at walang kaalam-alam sa inihandang pa-surprise ni David kasama ang iba pang cast members ng “Maging Sino Ka Man”.

Baka Bet Mo: David Licauco hindi pa handang magpakasal kaya nagkahiwalay ng dating dyowa; iniyakan ang ex-GF na taga-ABS-CBN

May dala-dalang birthday cake si David at kasama ang ilan nilang co-stars at staff ay unti-unti silang pumasok sa dressing room ng ka-loveteam sabay kanta ng “Happy Birthday”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza)


Nagulat siyempre ang dalaga at napasayaw pa habang kinakantahan siya. Naroon din sina Juancho Triviño, Jean Garcia, Faith Da Silva, Mikoy Morales at Rain Matienzo na bumati sa kanyang kaarawan.

Samantala, sa kuwento ng “Maging Sino Ka Man,” gagampanan ni Barbie ang karakter ni Monique, na unang ginampanan ng nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta sa movie version nito.

Gaganap naman si David bilang Carding, na unang binigyang-buhay ng action star na senador na ngayong si Robin. Malapit na malapit na itong mapanood sa GMA Telebabad.

Rhian miss na miss na agad si Coney Reyes: Lalo na kapag pinagpe-pray niya kami

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Barbie Forteza, David Licauco masyado na raw OA, sey ng faney: Ang cringe talaga ng fan service

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending