David Licauco inokray ng netizens dahil 'walang gana' sa pagkanta, Luis Hontiveros damay? | Bandera

David Licauco inokray ng netizens dahil ‘walang gana’ sa pagkanta, Luis Hontiveros damay?

Therese Arceo |July 16,2023
facebook
share this

David Licauco inokray ng netizens dahil ‘walang gana’ sa pagkanta, Luis Hontiveros damay?

Therese Arceo - July 16, 2023 - 12:16 AM

David Licauco inokray ng netizens dahil 'walang gana' sa pagkanta, Luis Hontiveros damay?

USAP-USAPAN ngayon ang Pambansang Ginoo na si David Licauco matapos ang kanyang singing performance sa nagdaang Miss Grand Philippines 2023 noong Huwebes, July 13.

Marami sa mga fans ng aktor ang matiyagang nag-abang kung ano ang kanyang performance na gagawin sa naturang beauty pageant kaya kahit late na ay todo wait pa rin ang mga ito.

Ngunit tila nadismaya ang madlang pipol dahil tila walang gana at mukhang inaantok na David Licauco ang kanilang nasaksihan habang kinakanta ang awiting “Wherever You Will Go”.

Pero kung titignan ay tila nakararamdam ito ng stage fright at parang hindi ito komportable na mag-perform sa harap ng madlang pipol at ng mga kandidata ng naturang patimpalak.

Agad namang nag-trending ang video clip ng kanyang pagkanta sa Twitter na umani ng iba’t ibang komento mula sa netizens.

Baka Bet Mo: David Licauco hindi pa handang magpakasal kaya nagkahiwalay ng dating dyowa; iniyakan ang ex-GF na taga-ABS-CBN

May ilan na nagsasabing baka kinabahan lang ang aktor o baka inaantok na ito dahil anong oras na rin nang sumalang siya sa stage.

May ilan pa nga na ikinumpara ang naturang song number ni David sa viral song performance ni Luis Hontiveros kung saan kinanta nito ang “Jopay”pero mas lamang naman daw ang Pambansang Ginoo dahil nasa tono naman daw ang huli.

“Bakit kasi pinipilit pakantahin ang mga artistang hindi naman totoong mga singer.”

“Jusko David buti na lang mahal kita at pogi ka…”

“Inaantok na ko eh, pero dahil sa kanta mo David nagising ako. Keep it up! Waaahaha.”

“David Licauco was giving Jopay by Luis [Hontiveros] lol.”

“Antok na raw kasi, late na rin natapos ang pageant hahaha.”

“Hahaha di talaga lahat binibigay ano…”

“Poor thing. He clearly doesn’t enjoy doing it and was probably forced by his manager.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
David Licauco sa viral ‘stolen shot’ ni Barbie Forteza: ‘Hindi mo na kailangang umawra kasi maganda ka na’

David Licauco trending dahil sa kanyang ‘doggy’ answer, request ng netizens: ‘Teach me how to dougie’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending