David Licauco trending dahil sa kanyang ‘doggy’ answer, request ng netizens: ‘Teach me how to dougie’
MARAMI ang nawindang nang muling maungkat ang nagdaang interview ng Kapuso star na si David Licauco sa podcast ni Mo Twister na “Good Times with Mo”.
Trending nga sa social media at marami na ring mga entertainment pages ang nag-share ng naturang video kung saan natanong ang binata kung ano ang paborito nitong sex position.
“David, what would be your favorite [sex] position? Sorry mom,” maririnig na tanong ni Mo Twister sa aktor.
Ang naturang interview ay nangyari seven years ago pa kung saan nagsisimula pa lang ang binata sa showbiz.
Sagot naman nito, “Uhm, doggy. Doggy, actually. I like doggy.”
Marami nga sa mga netizens ang hindi mapigilan na magbigay komento sa naturang video ni David lalo na’t mas lumawak na ang fan base nito buhat nang mahalin at tangkilikin ng mga tao ang teleseryeng “Maria Clara At Ibarra”.
Baka Bet Mo: David Licauco hindi pa handang magpakasal kaya nagkahiwalay ng dating dyowa; iniyakan ang ex-GF na taga-ABS-CBN
“Teach me how to dougie,” maikling saad ng isang netizen.
Gigil na comment naman ng isa sa pahayag ni David, “I’m willing to get collared, literally.”
Hirit naman ng isa, “I LOVE DOGGY TOO DAMI NAMING ASO DITO APAT.”
Hindi naman kataka-taka na marami ang mahumaling kay David lalo na’t guwapo talaga ito pero malayo na kanyang imahe ngayon ang naging pahayag niya 7 years ago.
Matatandaang inamin ng aktor na nais na niyang lumayo sa sexy image at manatiling wholesome lalo na’t ang tawag sa kanya ng madla ay “Pambansang Ginoo”.
“Nagkaroon kasi ako ng mga fans na bata because of Maria Clara at Ibarra so child-friendly na tayo ngayon,” saad ni David.
Related Chika:
Zeinab Harake pasabog ang birthday surprise sa kapatid, David Licauco ipinangregalo
David Licauco umalma nang tawaging ‘jutay’ ng basher: Malaki siya besh!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.