David Licauco umalma nang tawaging ‘jutay’ ng basher: Malaki siya besh!
David Licauco
DIRETSAHANG sinagot ng Kapuso hunk actor na si David Licauco ang netizen na nang-okray sa sukat ng kanyang pagkalalaki.
Isang basher ang nag-post ng kanyang comment sa isang Twitter photo tungkol sa balita na magtatambal sa isang proyekto ng GMA 7 sina David at Barbie Forteza.
Maraming natuwa at sumang-ayon sa plano ng Kapuso Network na muling pagtambalin ang dalawa na unang nagkasama sa seryeng “Heartful Cafe” na pinagbidahan ng aktor at ni Julie Anne San Jose.
Ngunit may mga kumontra rin dito tulad ng netizen na nagsabi pang “jutay” (read: maliit) naman daw si David.
Panglalait ng nasabing netizen, “Bat niyo naman ipapartner si Barbie sa isang jutay (crying emoji).”
Wala naman siya ng binanggit kung ang tinutukoy nga nito ay ang private part ni David pero base sa mga reaksyon ng netizens, mukhang ang pagkalalaki nga ng binata ang inookray ng hater.
Nang mabasa naman ni David ang post ng netizen, agad niya itong “niresbakan”. Aniya, “Malaki siya besh.”
View this post on Instagram
Naaliw naman ang mga followers ni David sa Twitter sa panonopla niya sa basher. May nagsabi pa nga na baka raw may pagnanasa lang ang netizen sa aktor kaya nilalait at binabastos niya ito.
Hindi ito ang unang pagkakataon na pumatol si David sa mga malilisyosong pamba-bash ng mga netizens. May sinagot din noon ang Kapuso hunk tungkol sa “masturbation” question ng isang netizen.
Isang netizen din ang nagtanong sa kanya noong 2019, kung gaano daw kahaba ang kanyang “alaga” na wala namang kagatul-gatol na sinagot ni David ng, “8 inches.”
Kamakailan, nabalita nga na baka raw pagsamahin sina David at Barbie sa TV remake ng pelikulang “Mano Po” na ipo-produce ng GMA at Regal Entertainment.
https://bandera.inquirer.net/288088/david-ayaw-pang-magpa-sexy-nang-tado-gustong-makatrabaho-si-bea-i-want-to-be-john-lloyd-for-a-day
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.