Zeinab Harake pasabog ang birthday surprise sa kapatid, David Licauco ipinangregalo | Bandera

Zeinab Harake pasabog ang birthday surprise sa kapatid, David Licauco ipinangregalo

Therese Arceo |March 24,2023
facebook
share this

Zeinab Harake pasabog ang birthday surprise sa kapatid, David Licauco ipinangregalo

Therese Arceo - March 24, 2023 - 10:37 PM

Zeinab Harake pasabog ang birthday surprise sa kapatid, David Licauco ipinangregalo

USAP-USAPAN ngayon ang recent vlog ni Zeinab Harake kung saan sinorpresa niya ang nakababatang kapatid at kapwa vlogger na si Rana Harake.

Paano kasi ay isang ginoo lang naman na nagngangalang David Licauco ang kanyang regalo para sa ika-22nd birthday ng kapatid.

Pag-amin ni Zeinab, plano sana niyang gantihan ang ginawang palak prank sa kanya ng kapatid noong kaarawan niya pero napagtanto niyang dasurv ng kanyang kapatid and masurpresa ng isang David Licauco dahil sobrang laking tulong nito sa kanyang buhay.

Kaya naman hindi siya nahiyang mag-message kay Fidel para kuntsabahin itong mapasaya ang kanyang kapatid sa espesyal niyang araw.

Bago pa man ang surprise ni Zeinab ay nagpaalam muna siya sa partner ni Rana na nasa ibang bansa para hindi ito mabigla paglabas ng vlog.

Mismong sa restaurant ni David ginanap ang surprise ng vlogger sa kapatid kaya naman mas pinaespesyal pa ang kanilang pagkikita.

Baka Bet Mo: Zeinab Harake gusto namang mag-try ng gwapong dyowa; mas gaganda ang buhay ngayong hiwalay na kay Skusta Clee

Kaya naman hindi talaga makapaniwala si Rana nang paglingon niya ay nasa likod niya ang celebrity crush at may dala pa itong bouquet of roses.

“Huwag kayong magagalit sa akin lalo na sa fans ng FiLay. Kami fans din kami kaya nga rin nagustuhan ni Rana si David dahil sa character niyang si Fidel… Isa po ako sa nanood. So, wala pong magagalit dahil ito’y date as a fan lang,” paglilinaw ni Zeinab.

Hinangaan naman ni David ang pagiging kalog at sobrang closeness nilang magkapatid.

Inaya rin niya itong magpunta sa kanyang restaurant sa Alabang dahil nabanggit ng dalawa na minsan na nilang sinubukang kumain doon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @zeinab_harake

“Nakakatawa kayo..,Alam mo yung it makes sense kung bakit ang dami n’yong fans kasi like ako, pinapanood ko lang kayo nakakatawa na,” nakangiting sabi ni David.

Natanong nga rin ng binata kung bakit single si Zeinab.

Hirit pa ni David, “Masarap naman maging single e. Sarili lang iisipin mo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Chika naman ni Zeinab, sa ngayon daw kasi ay mas focus siya sa mga responsibilidad sa buhay lalo’t may dalawa na siyang anak.

Related Chika:
Xian Gaza ibinuking ang dahilan ng away nina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino: Pareho kayong may mali at pagkukulang

David Licauco hindi pa handang magpakasal kaya nagkahiwalay ng dating dyowa; iniyakan ang ex-GF na taga-ABS-CBN

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending