Xian Gaza ibinuking ang dahilan ng away nina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino: Pareho kayong may mali at pagkukulang | Bandera

Xian Gaza ibinuking ang dahilan ng away nina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino: Pareho kayong may mali at pagkukulang

Reggee Bonoan |October 24,2022
facebook
share this

Xian Gaza ibinuking ang dahilan ng away nina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino: Pareho kayong may mali at pagkukulang

Reggee Bonoan - October 24, 2022 - 04:00 PM

Xian Gaza ibinuking ang dahilan ng away nina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino: Pareho kayong may mali at pagkukulang

Wilbert Tolentino, Zeinab Harake at Xian Gaza

ANG daming layers ng isyu tungkol sa sikat na social media influencer na si Zeinab Harake at sa businessman-talent manager at vlogger na si Wilbert Tolentino.

“He said, she said” ang dating nito  plus may iba pang influencers din na nadamay sa gusot nila nina tulad nina Toni Fowler, Jelai Andres, ang singer at ex-boyfriend ng una na si Scusta Clee, pati na ang host na si Robi Domingo.

Anyway, magkaibigan si Zeinab at ang Pambansang Marites at negosyanteng si Xian Gaza at concerned ito sa dalaga kaya niyaya nga niya itong pumunta sa Bangkok, Thailand.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)


Sabi ni Xian, “Zeinab Harake Bangkok is just 3 hours away from Manila. Nandito lang ako for you. Anytime. Comfort kita.”

Pero kahit kaibigan ni Xian si Zeinab ay pinagsabihan niya ito na may mali rin siyang ginawa kaya nagkagulo sila ni Wilbert.

May mga ipinost si Xian sa kanyang Facebook account kung saan, bakit at paano nag-away sina Wilbert at Zeinab.

“UNBIASED SCIENTIFIC ANALYSIS WITH INTENSIVE RESEARCH & SUBSTANTIAL DATA.

“AUTHOR: CHRISTIAN ALBERT SORIANO GAZA,” ang titulo ng kanyang post.

“Hindi totoo na si ZH (Zeinab Harake) ang naghahabol sa pera ni WT (Wilbert Tolentino). It’s the other way around. Si WT ang nagsusunog ng multimilyones sa maraming influencers upang makilala ang kanyang pangalan because he is a celebrity-wanna-be like me.

“Ang kaibahan lang naming dalawa eh siya’y gumagastos ng milyun-milyon upang sumikat habang ako naman ay kumikita ng milyun-milyon habang nagpapasikat.

“After paying hundreds of thousands of pesos for every content, WT will question and pressure each influencer kung bakit mababa pa rin ang engagement ng paid content after paying a lot. Hindi lang nila masabi directly sa kanya na yung mga followers/subscribers nila ay wala naman talagang pake sa isang katulad niya.

“Kailangan nilang sakyan ang mga trippings ni WT dahil kailangan nila ang pera nito at isa na diyan si ZH. Business is business lang.

“Ang bunganga ni ZH ay walang preno kagaya ko. Ang kaibahan lang naming dalawa eh may times na pati mga sarili niyang kaibigan ay napagsasalitaan niya ng hindi maganda sa harap ng ibang tao. Small talks kumbaga. Na-witness ko mismo sa Singapore. That’s one of her bad traits. Attitude na hindi tama.

“ZH is a master social media strategist like me. We know how to properly market our personal brands. We both earn tens of millions of pesos ng dahil dito. Parehas kaming hustler. Ang top priority namin ay kumita ng pera gamit ang social media and anyone na makakahadlang sa negosyo namin ay talagang sasagasaan namin. Walang puso puso,” ang rebelasyon ni Xian.

“TF (Toni Fowler) and her entire team is not good for business. That’s a fact. If you get associated with TF and her team, babagsak ‘yung value ng personal brand mo. Kung gusto mong makakuha ng magagandang endorsement projects, kailangan mong ilayo ‘yung sarili mo sa mga vloggers and influencers na puchu-puchu at walang class.

“That’s how you do business. Nothing personal. Ididikit mo yung pangalan mo sa mga mas nakakataas sayo tapos iiwas ka naman sa mga tao sa baba. That’s the way. Pasensyahan.

“Tinalikuran ni ZH si WT because he is too fame-thirsty na ultimo ‘yung babae ni SC (Scusta Clee) ay pinakisamahan niya ng maayos. If I’m ZH, I will do the same thing. ‘Matic ay ekis ka na sa ‘kin at buburahin kita sa aking buhay. There’s no explanation for that. Natural law of things,” pahayag pa ng online personality.

Sabi pa niya, “Hindi matanggap ni WT na after maubos ng life savings niya eh hindi pa rin niya na-reach yung level of fame and popularity na hinahangad niya.

“Matapos siyang pagkakitaan ni ZH at ng iba pang influencers eh wala rin talagang pinatunguhan ang lahat. Naubos lang yung pera niya. Until now, he is just a typical Youtuber like everyone else. Sad reality.

“ZH is the highest paid online personality ngayong 2022. Pumapalo ng 5-15 million pesos ang TF niya per brand endorsement. Sobrang lakas niya. Walang makasabay sa level niya, not even Ivana nor Alex Gonzaga.

“Hindi ito matanggap ni SC, ni WT at ni TF kaya gumawa sila ng coordinated attack on a Sunday night kung kailan peak na peak sa social media. Pinagtulung-tulungan nila si ZH upang masira ang momentum nito once and for all. Para umatras ang mga sponsors and company brands. Para mawalan siya ng kita.

“Naniniwala ako na parehas may mali si ZH at si WT. Parehas may pagkukulang ang dalawang panig. Kung nangibabaw lang sana kay ZH ang gratitude and compassion eh hindi na sana aabot sa ganito. Kung hindi lang sana umiral ang galit at inggit sa puso ni WT eh paniguradong hindi na lalaki ang issue.

“Sinamantala na lang talaga niya ang pagkakataon at ginrab ang perfect opportunity upang pumutok ang kanyang pangalan to the highest level once and for all.”

At dito na sinabi ni Xian ang mga mali ni Zeinab kaya pinangaralan niya ito.

“Zeinab, totoong kaibigan mo ako and I’m telling you right now… may mali ka dito. Hindi lang ikaw ang biktima. May this serve as a big lesson for you. Hindi pa huli ang lahat para maitama mo ang bagay-bagay towards the better version of yourself.

“Tanggap kita ng buong-buo including all your flaws and imperfections. Hinding-hindi kita tatalikuran at kakalabanin. I will help you to become better kasi mahal kita bilang kaibigan,” sabi pa ni Xian Gaza.

Bukas naman ang BANDERA sa panig nina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake.

Wilbert Tolentino may hugot sa mga ‘user’ at ‘pa-victim’, patama kay Zeinab Harake?

Xian Gaza tinamaan kay Zeinab Harake: Will you eat biko with me?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wilbert Tolentino pumalag sa blind item tungkol kay Herlene Budol: Obligasyon kong protektahan siya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending