Barbie sa pagbibida sa TV remake ng 'Maging Sino Ka Man' ni Sharon: 'Sana magustuhan niya' | Bandera

Barbie sa pagbibida sa TV remake ng ‘Maging Sino Ka Man’ ni Sharon: ‘Sana magustuhan niya’

Ervin Santiago |July 09,2023
facebook
share this

Barbie sa pagbibida sa TV remake ng ‘Maging Sino Ka Man’ ni Sharon: ‘Sana magustuhan niya’

Ervin Santiago - July 09, 2023 - 07:45 AM

Barbie sa pagbibida sa TV remake ng 'Maging Sino Ka Man' ni Sharon: 'Sana magustuhan niya'

Barbie Forteza at David Licauco

FEELING blessed and lucky ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza dahil sa kanya ibinigay ng GMA 7 ang remake ng iconic at blockbuster movie na “Maging Sino Ka Man.”

Ngayon pa lang ay super excited na ang dalaga sa naturang proyekto kung saan makakatambal niya uli ang kanyang leading man, ang Pambansang Ginoo na si David Licauco.

Ayon kay Barbie, isang napakabonggang achievement na para sa kanya ang bumida sa super blockbuster movie nina Megastar Sharon Cuneta at Robin Padilla.

Ipinalabas sa mga sinehan ang “Maging Sino Ka Man” more than 30 years ago at mapapanood na uli ito sa gagawing TV remake ng GMA 7 kung saan muling bubuhayin nina David at Barbie ang iconic characters nina Monique at Carding.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ngayon pa lang ay marami na ang nagsasabi na perfect si Barbie sa nasabing project pero may mga kumokontra rin at kumukuwestiyon kung bakit siya ang napili ng GMA.

Inaasahan na ng girlfriend ni Jak Roberto na maikukumpara sila ni David kina Sharon at Robin pero aniya hindi raw sila makikipagkumpitensya sa original “Maging Sino Ka Man”. Sobrang taas daw ng respeto niya kay Mega na isa sa mga idol niya sa showbiz.

“One of my favorites actresses is Miss Sharon Cuneta, so it’s my great honor to remake one of her iconic films na hindi ko naman papangarapin na ma-compare sa kanya dahil nag-iisa lang naman ang Miss Sharon Cuneta,” ang pahayag ni Barbie sa panayam ng GMA Network.

Baka Bet Mo: Sharon kay Robin: For the first time in 32 years, parang may nalimutan ka nu’ng January 6…Lab ko pa rin yan kahit nakakainis minsan

Sabi pa ni Barbie, isa si Sharon sa mga local celebrities na masasabi niyang totoong tao at napaka-humble pa dahil sa estado nito sa showbiz ay nananatili pa ring grounded.

“Nami-meet ko na po si Ms. Sharon casually, parang nagkita kami sa isang mall dati and she was very warm, she is very approachable.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Actually, I’m not sure kung kilala na niya ako at that time, pero sobrang gaan ng pakikipag-usap niya sa akin. Kami nga ni Mama parehas kaming fan ni Ms. Sharon, so parang ang sarap sa feeling na ‘yung idol mo ganu’n ka i-approach,” aniya pa.

Mensahe naman niya kay Mega, “Gusto ko lang magpasalamat sa kanya and gusto ko lang sabihin sa kanya na I’m excited to start doing Maging Sino Ka Man kasi siya ‘yung original and parang masaya ang magiging experience.

“Sana kung mapapanood man ni Ms. Sharon Cuneta ang Maging Sino Ka Man, sana magustuhan niya,” dagdag pa ni Barbie.

Makakasama rin sa TV version ng “Maging Sino Ka Man” sina Juancho Trivino, Faith Da Silva, Mikoy Morales, Rain Matienzo, ER Ejercito, Jeric Raval at Jean Garcia.

Lexi, Elijah, Hailey napasabak sa matinding dramahan sa TV remake ng ‘Underage’; nagbabala sa paggamit ng social media

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rufa Mae Quinto muling bibida sa remake ng ‘Booba’ makalipas ang 2 dekada

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending