Sharon kay Robin: For the first time in 32 years, parang may nalimutan ka nu'ng January 6...Lab ko pa rin yan kahit nakakainis minsan Bandera

Sharon kay Robin: For the first time in 32 years, parang may nalimutan ka nu’ng January 6…Lab ko pa rin yan kahit nakakainis minsan

Ervin Santiago |January 26,2023
share this

Sharon kay Robin: For the first time in 32 years, parang may nalimutan ka nu’ng January 6…Lab ko pa rin yan kahit nakakainis minsan

Ervin Santiago - January 26, 2023 - 07:26 AM
Sharon kay Robin: For the first time in 32 years, parang may nalimutan ka nu'ng January 6...Lab ko pa rin yan kahit nakakainis minsan

Robin Padilla at Sharon Cuneta

NAG-REACT si Megastar Sharon Cuneta sa mga naging pahayag ni Sen. Robin Padilla tungkol sa kanilang classic blockbuster movie na “Maging Sino Ka Man.”

Ni-repost ni Ate Shawie ang isang bahagi ng interview ni Korina Sanchez kay Binoe kung saan binalikan nga nito ang pagtatambal nila noon sa naturang pelikula.

Ayon sa actor-politician, habang nagsu-shooting daw sila ni Mega para sa “Maging Sino Ka Man”, ang feeling daw niya ay nananaginip lang siya dahil hindi siya makapaniwala na magiging leading lady niya ang isang Sharon Cuneta.

Pinapanood lang daw kasi niya noong kabataan niya ang mga pelikula ng TV host-actress tulad ng “Dear Heart” at “P.S. I Love You” at ni sa panaginip ay hindi niya inakalang magtatambal sila sa big screen.

Reaksyon naman dito ni Shawie, “Itong Kambal ko nakakatuwa. Totoo lahat yang sinabi niya sa Rated Korina!

“32 years na since Maging Sino Ka Man pero sa dami ng nangyari sa buhay namin ‘Ma’m’ pa rin tawag sakin.

“Minsan ‘Idol’ pa! Sira! Buti naman mas madalas akong tawaging ‘Kambal.’ Kundi alam niya kahit Senador na siya kaya ko pa rin siya poks (word po ni FPJ yang poks. Meaning sapok!)!

“Ahem…Bin, for the first time in 32 years, parang may nalimot ka nung January 6…He! Lab ko pa rin yan kahit nakakainis minsan!” hirit pa ni Sharon sa caption ng kanyang Instagram post.


Marami naman ang naka-relate sa pa-throwback nina Mega at Binoe patungkol sa favorite rin naming “Maging Sino Ka Man.” Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments mula sa netizens.

“The only one of the 2 tagalog movies na mahigit 4x ko pinanood sa sinehan (considering na college student lang ako noon at nabubuhay sa baon.”

“The movie I watched 6x in the theatre and 4 times on the telly , at tinilian ko talaga ng super taas at lakas, can still imagine the movie houses then ,super init kasi super puno ang movie houses , those were th days , and am truly glad I seen those events in the 90’s.”

“Hanggang ngayun inuulit ulit ko pa din tong movie nato eh.”

“Sobrng favorite kung panuodin tlga maging sino ka man bata pko , betamax pa dati kmi nanuod niyab. walng pambayad sa sinehan. sobrng love ko tlaga pelikula na yan.”

“Lahat kami sa school naka ambel non kahit maliit ako nakaambel ako, wahahaaha.”

“Pinanood ko yan Idol Sharon sa delta theater hehe.My little sister was named after you po, nun time na pinanganak cya ikaw po ang sikat at fan na fan mo po ako.”

“Na alala ko po non, twing birthday mo po sa The Sharon Cuneta Show palagi may pasurprise guest, tapos lalabas si Idol Sen then may dala bulaklak tapos yong tawag sayo Ma’am.”

Bea nilaglag ng ina at kapatid; tanga raw sa pag-ibig, lampa, burara sa gamit

Angeli Khang na-shock sa balitang buntis daw ang kaibigang sexy star; umaming 3 ang manliligaw ngayon

May bago na bang nagpapatibok ng puso ni Joshua Garcia?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending