Angeli Khang na-shock sa balitang buntis daw ang kaibigang sexy star; umaming 3 ang manliligaw ngayon Bandera

Angeli Khang na-shock sa balitang buntis daw ang kaibigang sexy star; umaming 3 ang manliligaw ngayon

Ervin Santiago |May 29,2022
share this

Angeli Khang na-shock sa balitang buntis daw ang kaibigang sexy star; umaming 3 ang manliligaw ngayon

Ervin Santiago May 29, 2022 - 06:30 AM

Angeli Khang

SHOOKT at hindi makapaniwala ang isa sa mga palabang sexy star ng Vivamax na si Angeli Khang nang may magtanong sa kanya kung totoong buntis ang kaibigan niyang aktres din.

Pagkatapos ng private screening ng bago niyang pelikula under Viva Films, ang sex-action-suspense na “Pusoy”, may nang-usisa kay Angeli about this controversial bombshell na umano’y pregnant daw.

“Is she really?” ang nagulat na sagot ng dalaga. Dugtong niya, “As long as wala akong naririnig sa kanya mismo, I won’t believe it. Kasi, as an artist, there’s a lot of things, there’s a lot of rumors surrounding us.

“And whatever man, kung anuman ang nangyayari sa kanya, as long as she’s happy, and she has inner happy, then…” ang biting pahayag ni Angeli.

Samantala, sumusumpa ang dalaga wala siyang boyfriend ngayon kaya imposibleng mabuntis siya pero aniya may tatlong nanliligaw sa kanya, kabilang ang isang kilalang aktor.

“Pero hindi ko muna siya pina-priority ngayon. Career muna,” chika ni Angeli.

Sa question naman kung pinagbawalan siya ng manager niyang si Jojo Veloso na makipag-boyfriend, “At first. But I’m surprised na hinahayaan lang niya ako, pero sinasabi rin niya sa akin, lagi niya akong pinapaalalahanan na work muna. Na lahat ‘yan, darating sa tamang panahon. Kaya focus muna sa work.”

Nabanggit din ng dalaga na pangarap din niyang makagawa ng isang pelikula na mapapanood sa mga sinehan kung saan mapapansin din ang kanyang talento sa akting, hindi lang ang paghuhubad sa harap ng camera.

“Sino ba naman po ang ayaw na magkaroon ng ganung project? Wish ko rin po yun, pero wala pa po akong naiisip kung sino ang gusto kong maka-partner.

“Kung sino po ang ibibigay sa akin, okay lang po. Mas alam po ng Viva kung sino po ang bagay sa akin,” sabi ni Angeli na malaki ang pagkakahawig kina Angel Locsin at Rufa Mae Quinto.

Sa pelikulang “Pusoy” muling pinatunayan ni Angeli na siya pa rin ang reyna ng hubaran at churvahan sa Vivamax dahil not once, not twice kundi sandamakmak pa ring sex scenes ang ginawa niya rito.

Bukod sa mainit na eksena nila ni Vince Rillon sa loob ng CR, pasabog din ang love scene niya with Kiko Matos and Baron Geisler sa “Pusoy” na napapanood na ngayon sa Vivamax, sa direksyon ni Phil Giordano at mula sa produksyon ni Brillante Mendoza.

Angeli Khang tinawag na weird version ng ‘Fifty Shades of Grey’ ang ‘Pusoy’: Super wild ang mga sex scenes dito!

Angeli Khang may hamon kay Xian Gaza: Hindi ako marites pero…

Angeli Khang Box-Office Queen ng Vivamax; classic movie nina Tito, Vic & Joey iri-remake nina Mikoy, McCoy at Jerald

 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending