Bea nilaglag ng ina at kapatid; tanga raw sa pag-ibig, lampa, burara sa gamit | Bandera

Bea nilaglag ng ina at kapatid; tanga raw sa pag-ibig, lampa, burara sa gamit

Reggee Bonoan |April 04,2021
facebook
share this

Bea nilaglag ng ina at kapatid; tanga raw sa pag-ibig, lampa, burara sa gamit

Reggee Bonoan - April 04, 2021 - 02:55 PM

ANG cool lang ng mama Mary Anne Ranollo ni Bea Alonzo dahil walang takot niyang ibinandera ang mga kahinaan ng mga anak lalo na pagdating sa pag-ibig.

Sa latest vlog ni Bea sa YouTube na may titulong, “My family plays who’s who” na in-upload kagabi (Sabado de Gloria) ay aliw na aliw ang mga nakapanood na umabot na sa mahigit 800k habang sinusulat namin ito.

Ayon kay Bea, “Nag-prepare ng questions ‘yung team ko na i-answer ng mama ko sa pag dump ng mukha namin dito sa (palangganita) hindi lang basta tubig merong ice kaya sarado ang mga pores namin ni James.”

Hirit ng nanay ng magkapatid na Bea at James, “Kaya kabahan na kayong magkapatid.”

Dagdag ng aktres, “Ang sabi nila, ang magsasabi lang daw ng totoo at tunay na ikaw ay ang nanay mo.”

Sabi ulit ni Mommy Mary Anne na inakbayan ang mga anak, “Walang samaan ng loob, ah. Mahal ko kayong dalawa.”

Si Bea ang unang inilublob ng nanay niya at tinanong ng, “Sino ang mas tamad sa gawaing bahay?”

“Woah! Ang lamig, my God!” humiyaw na sagot ng dalaga.

“Di ba tamad ka talaga since bata ka?” sabi ni Nama Mary Ann sa anak.

“Sino ang mas magaling sa school?” “Sorry James ha, (sabay lublob kay Bea). Mas magaling ka (sabi sa anak). Bunso, ayan nakakarami na si ate,” nakatawang sabi ng nanay ng magkapatid.

“Sinong mas iyakin?” Si naman James ang nilublob ng nanay niya, “Ikaw ‘yun!”

“Hindi pa ako ready (sabay punas sa mukha),” ang natatawa namang sabi ng kapatid ng aktres.

“Mas maganda pala ito (game) kaysa sa Jojowain o Totropahin. Mas madrama ito (si James) kaysa sa ‘yo (Bea). Madalas mag-breakdown ‘to, e (sabay turo sa bunso),” kuwento ni Mama Mary Anne.

“Sino ang mas makalat sa gamit?” At nilublob ulit si Bea ng nanay niya na tawa nang tawa.

Ipinagtanggol naman ng aktres ang sarili, “In my defense, organized din ako, si James kasi sobra niyang OC (obsessive-compulsive) to the point na kahit ‘yung marumi niyang damit sa hamper tinitiklop niya.”

Pambubuking pa ng nanay nila, “Grabe talaga ‘to may nagkakabit ng kurtina sinasabayan niyang magpunas ng basahan, nakakahiya.”

Hirit naman ni James, “Mahirap may alikabok sa bahay. Ha-hahaha!”

“Organized din ako guys, pero mas organized siya (sabay turo sa kapatid),” sambit ng aktres.

Parehong nalublob sina James at Bea sa tanong kung sino ang mas makulit, “Pareho sila, kaya lang magkaiba ang pagkakulit,” tawa nang tawang sabi ng nanay ng dalawa na nagrereklamo na sa bigat ng kamay nito.

“Doon ko naibubuhos (tinapon mo kasi ako rito sa farm) since matatanda na kayo, dito ko na lang ito mailalabas, guys,” tumatawang sagot ni Mrs. Mary Anne.

“Sino ang mas tanga sa pag-ibig?” “Diyos ko, si Bea Alonzo!” sabi ng nanay ng dalaga sabay lublob sa kanya sa tubig.

Basang-basa na ang aktres kaya panay ang punas nito sa mukha at winisikan pa ang ina, “Mama!!!”

“Di ba ang tanga!” diin ulit ng nanay niya.

“Sino ang mas malambing?” Kinuha ni James ang kamay ng nanay niya at pinalublob ang mukha, “Ako ‘yan.”

“Sino ang mas maraming naging jowa?” Si James ulit ang nilublob ng ina.

Si Bea naman ang nilublob sa tanong na, “Sino ang mas madalas ma-late?” “Si ate. Alam n’yo ba simula bata siya ang hirap niyang gisingin, (kaya) lagi siyang late!” pambubuking pa ng ina ng aktres.

Say naman ni Bea, “Oo sobra hangga’t kumakain ako.”

“Hanggang sa naiwan na kami ng eroplano late pa rin kami dahil sa kanya,” singit ng mama ng magkapatid.

“Pero sa work hindi naman ako nali-late, pag may bayad. Ha-hahaha! Saka hindi rin ako iyakin, pag may bayad lang,” tumawang pahayag ng dalaga.
Si Bea pa rin ang nilubog sa tubig sa tanong na, “Sino ang mas malihim?”

“Si Ate, especially sa katangahan niya!” diin ng nanay ng dalaga.

“Grabe siya (walang preno si mama) saka ang bigat ng kamay niya,” nakatawang sabi ng aktres.

At nabuking din na malakas palang humilik si Bea. “Ako?” nagtatakang sagot nito.

“Oo, si James tahimik, ikaw malakas lalo na pag pagod ka,” katwiran ng nanay nito.

Si James daw ang mas masinop bagay na ikinatampo na ni Bea, “Pag positive si James.”

“Kasi ate kaya madalas mawala ang gamit mo kasi burara ka, passport mo nga naiwanan mo sa eroplano, eh,” pambubuking pa ng ina.

Aminado naman dito si Bea, “Oo saka dati nawalan ako ng diamond earrings, naibalot sa tissue tapos naitapon.”

“Sino ang mas maarte sa katawan?” “Dalawa sila, pareho silang vain,” sabi ng mama ng magkapatid.

“Ganito ba ‘yung maarte” tanong ni James sa ina.

“Pangit ka pero maarte ka,” sagot naman ng nanay niya na ikinatawa ng lahat.

“Grabe naman ‘yung pangit. Ang nanay ang nagsasabi na guwapo (ang anak),” katwiran ng kapatid ni Bea na sinundot naman ng kanyang ate, “Oo guwapo si James.”

Mabilis na sagot ng nanay nila, “Naku baka sabihin ng tao, sinungaling ako, pangit ka!”

“Ei di ba magkamukha tayo?” hirit ulit ng bunsong anak ni Mama Mary Anne.

“Kaya nga pangit ako!” sagot ulit ng ina, “Kaya nag-anak ako ng beautiful (sabay turo kay Bea).”

Si Bea rin ang lampa sa magkapatid. Ang kuwento ng dalaga, “Gusto ko kasing maging sporty pero ayaw ni mama, ayaw niya ng mga extra curricular activities, bawal masugatan.”

“Nakita mo naman Bea Alonzo, napakakinis mo kung pinabayaan kita,” katwiran ng ina.

“Lampa naman ako. Ha-hahaha!” sabi ng dalaga.

“Hayaan mo na, hindi lahat sa ‘yo, maganda ka naman,” katwiran ulit ng nanay nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami pang aliw na pambubuking ang nanay nina Bea at James sa YT channel ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending