Sharon Cuneta tinalakan ng netizens matapos ‘biruin’ si Maine kay Alden
MUKHANG marami sa mga netizens ang hindi nagustuhan ang naging panunukso ni Megastar Sharon Cuneta kay Maine Mendoza.
Sa naging pilot episode ng “E.A.T.” noong Sabado, July 1, ang bagong show ng TVJ kasama ang iba pang legit dabarkads na sina Maine Mendoza, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon, Allan K, at Carren Eistrup ay isa ang Megastar sa mga naging guest.
Nabiro nga ni Sharon si Maine at tinutukso ang TV host sa kanyang anak-anakan na si Alden Richards.
Matatandaang abala ngayon ang Megastar sa taping sa kanyang pelikula na magiging entry sa darating na Metro Manila Film Fest kung saan kasama niya ang Kapuso actor.
“Gusto ko lang sabihin kay Maine, Maine congrats ha, nagsho-shooting ako ngayon, may kasama ako, yung anak kong bago, yung bago kong son, pangalan niya Alden,” saad ni Sharon.
Congrats po… congrats po sa movie ninyo,” nakangiting sagot ni Maine.
View this post on Instagram
“Hi Alden! Nandito si Maine,” hirit pa ni Sharon.
Matatandaang sumikat noong 2015 ang tambalan nina Maine at Alden bilang “AlDub” na nagsimula sa KalyeSerye ng “Eat Bulaga”.
Agad namang nag-trending sa Twitter ang video clip ni Sharon mula sa pilot episode ng “E.A.T.” na umani ng samu’t saring komento mula sa mga netizens.
May ilan na nagtataka at nagtatanong kung hindi raw ba aware si Ate Shawie na ikakasal na si Maine sa actor-politician na si Arjo Atayde.
“Omg wait. Hold on. This was so awkward. What was that? Why did Sharon say that to Maine?! I thought she was congratulating her on her engagement to Arjo,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Luh? For promotion ng movie ang ferson, naisingit pa talaga si Alden.”
“No big deal, yes Maine is getting married to Arjo but it doesn’t mean that she stopped being friends with Alden, people react as if they’re ex lovers just ex partners at work and Ms. Sharon knows that Maine is getting married that’s why she first congratulated her,” depensa naman ng isa.
Ayon naman sa pahayag ni Ogie Diaz sa kanyang latest episode sa “Showbiz Update”, nabanggit lang naman daw nito na may pelikula siya kasama ang binata at dati namang magka-love team ang dalawa. Hindi rin naman daw nagpaka-naughty sa kanyang mga pahayag.
Anyway, ngayong buwan nakatakda ang pag-iisang dibdib nina Maine at Arjo.
Related Chika:
Sylvia super kilig sa proposal ni Arjo kay Maine: Welcome to the family, thank you for loving my son!
Alden nagsalita na sa walang kamatayang tsismis: ‘Wala po kaming anak ni Maine, yan po ang totoo’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.