Alden nagsalita na sa walang kamatayang tsismis: 'Wala po kaming anak ni Maine, yan po ang totoo' | Bandera

Alden nagsalita na sa walang kamatayang tsismis: ‘Wala po kaming anak ni Maine, yan po ang totoo’

Ervin Santiago |May 31,2023
facebook
share this

Alden nagsalita na sa walang kamatayang tsismis: ‘Wala po kaming anak ni Maine, yan po ang totoo’

Ervin Santiago - May 31, 2023 - 12:57 PM

Alden nagsalita na: 'Wala po kaming anak ni Maine, yan po ang totoo'

Alden Richards, Arjo Atayde at Maine Mendoza

MALIGAYA ang Kapuso actor-TV host na si Alden Richards para sa dati niyang ka-loveteam na si Maine Mendoza at sa fiancé nitong si Congressman Arjo Atayde.

Deserving daw ng Phenomenal Star na maging masaya sa piling ng pinakamamahal nitong boyfriend at sana’y maging happy na rin ang lahat ng AlDub fans para sa kani-kanilang personal na buhay.

Sa bagong vlog ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz nabanggit nga ng tinaguriang Asia’s Multimedia Star na irespeto sana ng lahat ang relasyon nina Maine at Arjo na malapit na ring ikasal.

“Sa ngayon po kasi, kung anong meron si Maine and Arjo, nirerespeto ko po ‘yun. I’m really, really happy for her.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)


“Kasi at least, kahit paano, nakikita ko sa kanya mismo na masayang-masaya siya. Irespeto na lang po natin kung ano mang meron po si Maine ngayon sa personal niyang buhay. Kasi kung anuman po ‘yan, deserve niya po ‘yan,” pakiusap pa ni Alden.

Sinagot din ni Alden ang matagal nang tsismis na may anak na raw sila ni Maine na nagsimula sa mga social media post ng ilang fans ng dalawang Kapuso stars noong kasagsagan ng isyu sa paghihiwalay nila bilang magka-loveteam.

Baka Bet Mo: Throwback photo ni Maine na nagpapa-ultrasound kasama si Alden trending, sey ng AlDub nation: ‘Ito ang ebidensya!’

Paglilinaw ni Alden, “Ang tsismis naman po, hangga’t hindi napapatunayan, will remain a gossip. D’un lang po ako palagi.

“Wala akong tinatago sa kanila. Pero du’n sa part na may anak, wala po kaming anak ni Maine. ‘Yan po ang totoo. Sinabi rin niya po ‘yan,” paniguro pa niya.

Dagdag pang sey ng award-winning Kapuso actor, “Noong nangyari ang AlDub, isa ‘yun sa mga blessing sa buhay ko. Grabe ‘yun. Sobrang laki ng impact po nu’n sa akin.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Juan Carlos Atayde (@arjoatayde)


Nauna na naming naisulat na wala pa ring girlfriend hanggang ngayon si Alden, “Wala talaga (dyowa). Hindi naman sa hindi priority. Siyempre po may mga pinagdaanan ako sa past, yung mga nakaraan. Hinanap ko siya (lovelife), ginusto ko.

“Pero parang hindi nagwo-work kapag pinipilit ko. For some reason parang nagkakaroon ng ‘casualty’, I mean one way or another nagkakaroon ng issue. Ang sa akin naman po, the more siyang pinipilit, the more siyang nawawala.

“Parang buhangin po, e, yung the more na kumakapit ka sa buhangin, lalong kumakawala sa kamay mo. Pero nasa plano ko naman po ang magkapamilya,” pahayag ni Alden.

Sabi pa ng binata, “Gustung-gusto ko talagang magkaroon ng mga babies po.”

Sundot na tanong ni Papa O, “Pwede  bang anak lang walang asawa?” “Ay, gusto ko po may asawa. Mahirap po yung single parent. Tsaka ayoko pong i-deprive yung anak ko na lalaki siya na tatay lang yung kilala niya, gusto ko buo yung family niya.”

Maine hinding-hindi gagamitin ni Arjo para manalo sa Eleksyon 2022; ayaw isama sa kampanya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maine, Arjo imposible na raw magpakasal ngayong 2022 dahil sa pamahiing ‘sukob’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending