Arjo Atayde, Maine Mendoza nag-celebrate ng 4th anniversary: Thank you for everything | Bandera

Arjo Atayde, Maine Mendoza nag-celebrate ng 4th anniversary: Thank you for everything

Therese Arceo |December 23,2022
facebook
share this

Arjo Atayde, Maine Mendoza nag-celebrate ng 4th anniversary: Thank you for everything

Therese Arceo - December 23, 2022 - 11:42 PM

Arjo Atayde, Maine Mendoza nag-celebrate ng 4th anniversary: Thank you for everything
NAGDIWANG ng ika-apat na anniversary ng kanilang pag-iibigan sina TV host-endorser na si Maine Mendoza at actor-politician na si Arjo Atayde.

Nitong Miyerkules, December 21, nag-post ang dalawa sa kanilang Instagram account ng kanya-kanyang greetings para sa isa’t isa.

“Happy fourth, my baba! Thank you for everything that you do and for everything that you are. I love you,” saad ni Arjo.

Kalakip ng kanyang post ay ang throwback photo nila ni Maine na kuha noong nagbabakasyon silang dalawa sa Paris, France.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Juan Carlos Atayde (@arjoatayde)

Short but sweet naman ang message ng “Eat Bulaga” host sa kanyang future hubby.

“Happy fourth [heart emoji],” sey ni Maine kalakip ang black & white photo nila ni Arjo.

Labis naman ang kilig ng mga netizens para sa love birds na kitang-kita naman sa pagbati ng mga ito sa comment section.

Matatandaan na unang nagkakilala at nagkatrabaho ang dalawa nang gawin nila ang Metro Manila Film Fest 2018 entry na “Jack Em Popoy: The Puliscredibles”.

Samantala, August 2018 naman nang makita si Arjo na pumunta sa event ng brand na iniendorso ng dalaga.

Makalipas ang apat na buwan ay naging in s relationship na ang dalawa.

Matatandaang nitong July 2022 lang nang gulatin nina Arjo at Maine ang madlang pipol matapos nilang i-reveal sa social media na engaged na sila.

Naganap ang surprise engagement ng actor-politician sa dalaga sa isang beach resort sa Batangas.

Nitong Nobyembre rin nang magbakasyon ang dalawa sa Paris upang i-celebrate na rin ang 32nd birthday ni Arjo.

Related Chika:
Maine Mendoza, Arjo Atayde ginulat ang netizens: Wait, whaaaat??? We’re engaged?!

Arjo Atayde nag-celebrate ng birthday sa Europe kasama si Maine Mendoza: ‘Lovers in Paris’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Arjo muling ibinandera ang pagmamahal kay Maine: I love you in all ways, more and more…every day!

Maine, Arjo imposible na raw magpakasal ngayong 2022 dahil sa pamahiing ‘sukob’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending