Arjo Atayde nag-celebrate ng birthday sa Europe kasama si Maine Mendoza: 'Lovers in Paris' | Bandera

Arjo Atayde nag-celebrate ng birthday sa Europe kasama si Maine Mendoza: ‘Lovers in Paris’

Ervin Santiago |November 06,2022
facebook
share this

Arjo Atayde nag-celebrate ng birthday sa Europe kasama si Maine Mendoza: ‘Lovers in Paris’

Ervin Santiago - November 06, 2022 - 05:48 PM

Arjo Atayde nag-celebrate ng birthday sa Europe kasama si Maine Mendoza: 'Lovers in Paris'

Arjo Atayde at Maine Mendoza

SIGURADONG super happy ang Kapamilya actor at public servant na si Arjo Atayde nang ipagdiwang niya ang kanyang 32nd birthday nitong nagdaang Sabado, November 5.

Bagamat ito ang unang pagkakataon na nag-celebrate ng kanyang birthday si Cong. Arjo na malayo sa kanyang pamilya, kasama naman niya ang fiancèe niyang si Maine Mendoza.

Magkasama ngayon sa Paris sina Maine at Arjo at doon nga sila nagliwaliw sa mismong kaarawan ng binata.

Ilang araw na ring naglilibot sa Europe ang engaged couple kaya sure na sure kami na super happy si Arjo sa pagdiriwang ng birthday niya this year kahit hindi nakasama ang kanyang pamilya.

Isa sa mga unang-unang bumati sa premyadong aktor at kongresista ay ang kanyang inang si Sylvia Sanchez at kapatid na si Ria Atayde. At siyempre, hindi rin siya nakalimutang batiin ng future wife niyang si Maine.

Mensahe ni Ibyang kay Arjo, “First time ng pamilya na hindi ka nakasama sa birthday mo.

“Pero happy kami kasi alam naming sobrang happy ka dahil kasama mo ang pinakamamahal mong si Bubba. Happy Happy Birthday @arjoatayde. Enjoy your trip with Bubba @mainedcm. Love you mga anak,” pagbati ni Sylvia.

“I will always be grateful I have a big brother like you. Happiest of birthdays @arjoatayde, love you so much,” ang birthday greeting naman ni Ria.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm)


“Happy birthday” lang ang caption ni Maine sa mga litrato nila ni Arjo na kuha sa iba’t ibang lugar sa Paris.

Ang ilan pa sa mga bumati kay Arjo ay sina Jake Cuenca, MJ Lastimosa, Kaladkaren, Christine Babao, Liz Uy at marami pang iba.

Nagpasalamat naman si Arjo sa lahat ng mga nakaalala at bumati sa kanya, “Thank you to everyone who greeted (me)!

“At 32 one thing I wanted to share is that sincerity is the best gift you can give humanity. Don’t be afraid to love, live, and give,” mensahe ni Arjo.

Arjo muling ibinandera ang pagmamahal kay Maine: I love you in all ways, more and more…every day!

Maine hinding-hindi gagamitin ni Arjo para manalo sa Eleksyon 2022; ayaw isama sa kampanya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maine, Arjo imposible na raw magpakasal ngayong 2022 dahil sa pamahiing ‘sukob’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending