Alden Richards mas gustong kasal muna bago baby: 'Ang hirap maging single parent' | Bandera

Alden Richards mas gustong kasal muna bago baby: ‘Ang hirap maging single parent’

Ervin Santiago |May 31,2023
facebook
share this

Alden Richards mas gustong kasal muna bago baby: ‘Ang hirap maging single parent’

Ervin Santiago - May 31, 2023 - 11:58 AM

Alden Richards mas gustong kasal muna bago baby: 'Ang hirap maging single parent'

Alden Richards

NGAYONG 31 years old na siya, naiisip na rin ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na magkaroon ng sariling pamilya — pagdating ng tamang panahon.

Hanggang ngayon ay nananatili pa ring single ang Kapuso matinee idol pero hindi naman daw ibig sabihin nito ay sinukuan na niya ang pag-ibig.

Sa panayam ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz na mapapanood sa kanyang YouTube channel, natanong ang Pambansang Bae kung totoo bang wala pa rin siyang dyowa until now.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)


“Wala talaga, Mama Ogs. Hindi naman sa hindi priority. Siyempre po may mga pinagdaanan ako sa past, yung mga nakaraan. Hinanap ko siya (lovelife), ginusto ko siya,” simulang pagbabahagi ng binata.

“Pero parang hindi nagwo-work kapag pinipilit ko. For some reason parang nagkakaroon ng ‘casualty’, I mean one way or another nagkakaroon ng issue. Ang sa akin naman po, the more siyang pinipilit, the more siyang nawawala

“Parang buhangin po, e, yung the more na kumakapit ka sa buhangin, lalong kumakawala sa kamay mo. Pero nasa plano ko naman po ang magkapamilya,” pahayag ni Alden.

Baka Bet Mo: Alden sinorpresa si Lolit Solis, dinalaw sa bahay para personal na bumati ng ‘HNY’: Sana makita na niya ang babaeng magmamahal sa kanya forever!

Sabi pa ng binata, “Gustung-gusto ko talagang magkaroon ng mga babies po.”

Sundot na tanong ni Papa O, “Pwede  bang anak lang walang asawa?” “Ay, gusto ko po may asawa. Mahirap po yung single parent. Tsaka ayoko pong i-deprive yung anak ko na lalaki siya na tatay lang yung kilala niya, gusto ko buo yung family niya.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)


Nabanggit din ng Kapuso superstar na nais sana niyang magkaroon na ng asawa at sariling pamilya pagsapit niya ng 35 years old.

Samantala, natalakay din sa nasabing panayam ang tungkol sa walang kamatayang gender issue kay Alden. Hindi ba siya napipikon dito?

“Nasanay na lang din po ako but it’s really how I see myself. Kilala ko po ang sarili ko, kilala ako ng mga tao sa paligid ko at matagal ko na silang kasama.

“Ayoko naman po na para lang tumahimik ang isyu na yun is gagamit ako ng ibang tao para lang matapalan yung issue kasi kawawa naman po yung taong yun dahil hindi naman po ako ganu’n, e.

“Hindi ko po siya ina-address kasi feeling ko wala naman akong kailangang patunayan sa part na yun, okay lang na, sige ituloy n’yo lang yan dahil sanay na naman po ako diyan. Pero for me, alam ko kung saan ako papunta.

“Actually 12 years na yan, e, pero hindi mamatay-matay,” ang natatawang pahayag pa ni Alden Richards tungkol sa mga kumukuwestiyon sa kanyang pagkalalaki.

Alden Richards gustung-gustong magpakalbo pero bawal; Julia naniniwalang panglaban sa Hollywood ang mga Pinoy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alden bilib sa pagiging totoong tao ni Julia, 2 araw nag-bonding: ‘She’s really a brave woman! Ang tapang!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending