AlDub Nation asa pa rin sa muling pagdating ng 'tamang panahon' para kina Maine at Alden | Bandera

AlDub Nation asa pa rin sa muling pagdating ng ‘tamang panahon’ para kina Maine at Alden

Jun Nardo |September 18,2018
facebook
share this

AlDub Nation asa pa rin sa muling pagdating ng ‘tamang panahon’ para kina Maine at Alden

Jun Nardo - September 18, 2018 - 12:01 AM

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

PUNUMPUNO ng ganap this week si Maine Mendoza base na rin sa ipinopost na updates ng fans.

Sa Miyerkoles, Sept. 19, meron siyang shade reveal ng lipstick na ginawa niya para sa isang sikat na global brand ng cosmetics. Sa Sept. 21 naman, Friday, may MACMaine on Lazada ang Phenomenal Star.

Susundan ito ng MACMaine on Megamall sa Sept. 22 at sa 23 na siyang nationwide launch ng MAC Cosmetics sa buong bansa.

Kasama rin sa schedule ni Meng this week ang first taping day niya sa bagong sitcom nila nina Vic Sotto at Wally Bayola, nandiya din ang Eat Bulaga at ang pagpapatuloy ng shooting nila para sa “Jak Em Popoy.”

Samantala, si Alden Richards naman, bukod sa taping ng Kapuso series na Victor Magtanggol, magaganap din this week (Sept. 21) ang second major concert niyang “AR: Adrenaline Rush” sa Kia Theater.

Kahit hiwalay ang projects, todo suporta pa rin ang AlDub Nation sa dalawa dahil para sa kanila ay unstoppable ang ADN basta para sa ikaliligaya at ikatatagumpay nina Alden at Maine, huh!

Para sa kanila, walang iwanan at walang bibitaw. Kumbaga kapit lang hanggang sa dumating uli ang tamang panahon para sa AlDub.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending