Alden Richards gustung-gustong magpakalbo pero bawal; Julia naniniwalang panglaban sa Hollywood ang mga Pinoy
TYPE na type pala ni Alden Richards na gumanap na kalbo sa pelikula o teleserye pero hindi niya magawa dahil marami siyang dapat i-consider in terms of product endorsements.
Inamin ito ng GMA artist sa media announcement para sa pelikulang pagsasamahan nila ni Julia Montes na “Five Break-Ups and A Romance” na kasalukuyang sinu-shoot na ngayon under the direction of Irene Emma Villamor.
“Gusto ko po talaga ang dami lang restrictions gawa po ng siyempre mga brands natin na inaalagaan natin. Siyempre pag nabigyan naman ng clearance, why not? Kasi dream ko rin talaga ‘yung magpakalbo pero hindi pa puwede ngayon,” esplika ni Alden.
View this post on Instagram
Opinyon naman ni Julia na sana’y maging open ang mga ganitong klaseng role dahil nga nakasanayan na kung ano ang karakter na ibibigay ay hanggang doon lang.
“Sana mas doon tayo sa totoong looks (karakter),” say ng aktres.
Dagdag ng aktor, “Oo, kung ano talaga ‘yung hinihingi ng role kasi dito po sa atin para panoorin kapag gumagawa ng pelikula is something tailor made sa artista kung anon a sila, kung baha artista o aktor ang mag-a-adjust sa script.”
“Kasi magaling tayo, eh. Hindi naman sa pagmamayabang tayong mga Pinoy panlaban tayo sa Hollywood kaya dapat mas i-push pa natin,” sambit ni Julia.
Nabanggit naman ni Julia na masarap sa pakiramdam na ngayon ay open ng nagkakaroon ng collaboration ang magkakaibang networks at movie outfit kumpara noon na may exclusivity.
View this post on Instagram
“Sana ganu’n (din) tayo in life hindi lang sa network ‘yung lahat tayo open. Walang wall, walang restrictions kasi hindi mo masasabi ang buhay, eh.
“Pag tulungan ang dami mong maa-achieve, pag teamwork ang dami mong ma-achieve, so, ito ‘yung perfect example lalo na itong project na ito big movie companies nagtutulungan, nagsama-sama alam mo ‘yun talaga teamwork,” pahayag ng aktres.
“Maganda nga rin po ‘yung nangyayari ngayon na ABS-CBN and GMA is very vocal with the partnership into, so, mas lumawak ‘yung opportunities especially for us actors.
“Before po kasi dito lang kami sa network na ‘to, dito lang, dito lang bawal lumabas.
“So, ngayon kasi ang common goal na is to give world class entertainment and ipakita natin ang Filipino talent,” saad naman ni Alden.
Samantala, pagdating sa gagampanang karakter ni Alden sa project nila ni Julia ay sobrang layo sa personalidad niya.
“Isa rin siguro sa parts na na-appreciate ko dahil halos lahat ng gagawin at sasabihin ko rito hindi ko normal na ginagawa. But what like Julia said, ‘yung love na kapag hindi mo pa nararamdaman ay pinagtatawanan mo ‘yung mga taong naka-experience nito.
View this post on Instagram
“Pero iba kasi kapag ikaw na ‘yung nakaramdam iba ‘yung effect niya sa tao at sa buhay mo. Parang may spell ‘yung love (kuwento ng pelikula),” paglalarawan ng aktor.
Say ni Julia, “Parang may good and bad on how you handle it. Meron talagang magic ang love.”
Sa titulo pa lang na “Five Break-Ups and A Romance” ay paulit-ulit nasasaktan ang dalawang bida dahil sabi nga nila, isang break up pa lang ay masakit na, mas lalo na ‘yung umabot pa sa limang beses.
Halos sabay sumagot sina Alden at Julia sa tanong kung paano ilalarawan ang pagmamahalan nila sa isa’t isa na inaming sobrang daring ito as in magpapakita sila ng skin lalo’t hindi ito ang comfort zone ng aktor.
“In term of scenes more open, madumi po ako rito at malala po ang mga dialogue ko rito,” say ng binata.
Dagdag ni Julia, “Yung other side ng lalaki na hindi pa nagagawa ni Alden na na-explore niya.”
“Not your typical leading man,” sambit ng aktor.
Paano nila ilalarawan ang “Five Break-Ups and A Romance” sa isang salita. Nagkatinginan muna ang AlJuls at nagbulungan dahil ito rin pala ang tanong nila sa isa’t isa.
“Bad word po, eh, ‘yung four letter word tapos love na bad,” say ng aktor.
“Ang dami kasing masasabi sa love, kanya-kanya tayong description sa love depende sa pinagdaanan mo, so, ‘yun ‘yung perfect word F,” saad ng aktres.
“F*** love,” say ni Alden.
Nahiya silang sabihin pero f*ck love ang description nila sa pagmamahalan at mga eksenang gagawin nilang dalawa na ayon din naman sa kanila ay handa na nilang gawin ang mga bagay na hindi pa nila nagagawa sa past projects nila.
Oo nga, parehong wholesome ang imahe nina Alden at Julia kaya siniguro rin ni Direk Irene na siyang sumulat ng script na manggugulat ang dalawang bida sa pelikula.
May out of the country shoot ang “Five Break-Ups and A Romance” at na hindi pa idinetalye sa amin kung anong mga eksena ang kukunan dahil importante raw ito.
Anyway, nagsama-sama ang GMA Pictures/CS Studios at MYRIAD sa pagpo-produce ng pelikula at hoping this year ito maipapalabas sa mga sinehan.
Cristy Fermin dinepensahan si Alden Richards sa mga fans ng KathNiel: Huwag n’yong kawawain!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.