Cristy Fermin dinepensahan si Alden Richards sa mga fans ng KathNiel: Huwag n'yong kawawain! | Bandera

Cristy Fermin dinepensahan si Alden Richards sa mga fans ng KathNiel: Huwag n’yong kawawain!

Therese Arceo |February 01,2023
facebook
share this

Cristy Fermin dinepensahan si Alden Richards sa mga fans ng KathNiel: Huwag n’yong kawawain!

Therese Arceo - February 01, 2023 - 08:23 PM

Cristy Fermin dinepensahan si Alden Richards sa mga fans ng KathNiel: Huwag n'yong kawawain!
IPINAGTANGGOL ng showbiz columnist na si Cristy Fermin ang Kapuso actor na si Alden Richards laban sa mga tagasuporta nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Umani kasi ng pambabatikos ang aktor matapos ang kanyang naging panayam sa kapwa Kapuso actor na si Paolo Contis sa “Just In”.

Sa kanyang show na “Cristy Ferminute” kung saan kasama niya si Romel Chika ay agad niyang dinepensahan si Alden sa mga masasakit na salitang ibinabato ng netizens sa Kapuso actor.

Marami kasi ang tila naka-misinterpret lalo na sa mga tagahanga ni Kathryn dahil sa kumalat na trimmed video ni Paolo kung saan pinupuri niya si Alden at hindi naisama sa video ang pag-acknowledge ni Paolo kay Kathryn.

Saad ni Cristy, “Ang ibang mga tagahanga ng KathNiel, aba naman, ayaw tantanan si Alden Richards. Ang yabang-yabang daw ni Alden. Pakumbaba pa raw kunwari pero hindi naman.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)

Aniya, hindi nga raw siya sigurado kung totoong KathNiel fans ang mga nagpo-post dahil kilala noya raw ang mga tagahanga ng dalawa at hindi naman sila ganito mag-post o mang-atake.

Lahad pa ni Cristy, “Pero maaaring mayroon ding naiiba sa kanila. Kasi parang pinalalabas nila na, ‘Naku Alden, tama na ‘yung pagpapa-humble mo. Napakayabang mo sa totoo lang. Hindi ikaw ang nagdala ng Hello, Love, Goodbye’.”

“Huwag naman po. May mga mata naman tayong nakakakita, may mga tenga naman tayong nakakarinig, may isip naman po tayo na gumagana at puso na marunong tumingin ng tama at mali. ‘Wag niyo naman sabihing sahog lang si Alden Richards sa Hello, Love, Goodbye. Isa po siya napakahalagang rekado.”

Aniya, ipagpalagay na may ibang artista na gumanap sa role at maaaring magtagumpay ang pelikula pero sana’y tanggapin raw ang katotohanan na tinanggap ng publiko ang tambalang Alden at Kathryn sa pelikula.

“Dapat maging matuwa na lang tayo dahil naging matagumpay sila, talagang sinuportahan ng publiko ang kanilang pelikula, tutal naman naghilahan sila pataas.,” sey ni Cristy.

Hiling nga niya na sana’y tigilan na ng netizens amg pagbabato ng mga negatibong komento sa binata.

“Diba hindi naman sila naghilahan pababa? ‘Wag niyo nang kawawain si Alden kasi talagang maling-mali po ang obserbasyon niyo na sahog lang siya. Hindi siya sahog. Kung baga sa sinigang, silang dalawa ni Kathryn ang karne,” giit pa ni Cristy.

Related Chika:
Paolo Contis ‘bugbog sarado’ sa social media, fans ni Kathryn Bernardo gigil na gigil

Cristy Fermin pinag-iingat sa 2023, kailangan na raw mag-quit sa showbiz

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kathryn, Daniel ibinandera ang isang dekadang relasyon, aamin na ba kung anong sikreto?

Alden naghahanap ng girl na may ‘big brain’: Kung ikaw lang ang nag-iisip at dumidiskarte sa relasyon parang solo ka lang din

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending