Cristy Fermin pinag-iingat sa 2023, kailangan na raw mag-quit sa showbiz | Bandera

Cristy Fermin pinag-iingat sa 2023, kailangan na raw mag-quit sa showbiz

Reggee Bonoan |December 29,2022
facebook
share this

Cristy Fermin pinag-iingat sa 2023, kailangan na raw mag-quit sa showbiz

Reggee Bonoan - December 29, 2022 - 03:48 PM

Cristy Fermin pinag-iingat sa 2023, kailangan na raw mag-quit sa showbiz

Cristy Fermin

ISA pa sa mga binasahan ng Tarot cards ni Mamu Gloria Escoto ay ang isa sa mentor namin sa pagsusulat at nanay din namin sa showbiz — si Nanay Cristy Fermin.

Ayon kay Mamu, “Mukhang nag-iipon si Manay Cristy (napa-wow naman si Romel Chika).”

Pero sandaling natigilan ang manghuhula at pasimpleng tumingin kay Romel dahil nakitaan  niya ito ng death card.

“Sa cards niya ina-advice nito na next year siyempre ayoko siyang magalit o malungkot na puwede siyang mag-quit (sa showbiz), kailangan na niyang magpahinga.

“Kailangan na niyang i-enjoy ika nga, ‘yung buhay niya bilang isang simpleng tao dahil hindi natin alam kung ano ang posibleng mangyari sa ating future di ba, o sa mga susunod na buwan.

“Pero dito sa cards niya kasi (ay) puwede siyang tamaan ng isang sakit. Since close ka sa kanya pakisabi na lang mag-ingat siya lagi.

“Dito rin sa cards na ‘to gusto kong sabihin sa kanya kay Manay Cristy na mayroon siyang matagal na nakatampuhan na posibleng maging okay sila next year,” interpretasyon ni Mamu sa mga barahang inilatag.

Tanong kaagad ni Romel, “Artista?”

“Puwedeng artista, malapit sa kanya. Ngayon sa pangatlong card (latag) mag-ingat na lang si Manay kasi posibleng magkaroon ng kaaway na mas bata pa sa kanya,” sagot ni Mamu.

Sa tanong kung ano ang pag-aawayan, “Siguro mapipikon ‘yung bata. Artista puwede pero ang pinaka-importante rito ‘yung health niya medyo negative.

Say ni Mamu, “Kaya lang marami siyang iniisip ngayon, so, kung ako kay manay ay ‘wag na siyang mag-isip, sumunod na lang siya sa agos.  ‘Wag siyang magpaka-stress.”

Ano ang magiging kapalaran ng programang “Cristy Ferminute” sa Radyo 5, 92.3 NewsFM sa susunod na taon nina Nay Cristy at Romel?

“Actually, next year mas tataas ang viewers n’yo tapos may mga pagbabago,” tugon niya.

Para naman YouTube channel na “Showbiz Now Na” kasama naman sina Romel, Wendell Alvarez. Morly Alinio at ‘Nay Cristy, “Marami pa itong pagdadaanan at ang advise ko rito is ilaban kasi sa ngayon wala pang masyadong (subscribers).

“Pero itiyaga at magiging maayos din. Makakamit n’yo rin kung anuman ang nais n’yo,” sabi ni Mamu.

Heart Evangelista mas magiging matunog ang pangalan sa 2023, magkakaroon daw ng ‘manliligaw’?

Alden Richards pwede raw mag-flop sa 2023, Vice Ganda may posibilidad ring mag-lie low next year?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hula kay Pangulong Bongbong para sa 2023: ‘Bago siya bumaba sa puwesto ay magiging maayos ang Pilipinas’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending