Ogie Diaz masisikmura nga bang ipakulam ang mga taong nangutang pero sila pa ang galit kapag siningil? | Bandera

Ogie Diaz masisikmura nga bang ipakulam ang mga taong nangutang pero sila pa ang galit kapag siningil?

Ervin Santiago |May 31,2023
facebook
share this

Ogie Diaz masisikmura nga bang ipakulam ang mga taong nangutang pero sila pa ang galit kapag siningil?

Ervin Santiago - May 31, 2023 - 10:21 AM

Ogie Diaz masisikmura nga bang ipakulam ang mga taong nangutang pero sila pa ang galit kapag siningil?

Ogie Diaz

TAWA kami bang tawa sa nakakaloka at nakakatakot na litratong ipinost ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz sa kanyang Facebook account.

May kaugnayan ito sa mga taong ang babait kapag nangungutang pero sila pa ang mga galit kapag dumating na ang oras ng singilan.

Siguradong maraming naka-relate sa patutsada ni Ogie sa mga nangutang sa kanya ng pera pero until now ay hindi pa rin nagbabayad. Yung iba pa nga raw ay nagtatago na sa kanya.

Nag-post si Papa O sa FB ng isang litrato kung saan makikita ang isang kamay na may hawak na manyika at napakahabang karayom na karaniwang ginagamit ng mga mangkukulam.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Diaz (@ogie_diaz)


Sabi ng vlogger sa kanyang caption, “Pagmasdan n’yo munang mabuti ang picture. Alam na natin ang ibig sabihin niyan. Na kung hindi makabayad at nagtatago na sila eh dito man lang, makaganti ka.”

Pero mabilis naman niyang sinabi na hindi naman daw siya siguro aabot sa pagpapakulam sa mga taong hindi marunong o palaging tinatakbuhan ang kanilang pagkakautang.

Baka Bet Mo: Reaksyon ni Ate Vi nang isilang si Luis: Bakit ganito itsura? Parang malaking daga!

“Nako, anlabo po na gawin ko ‘to sa mga mga makakapal ang mukha. Kahit andami pang may utang sa akin na yung iba ay hindi mo na mahagilap at yung iba nama’y di na nga nakakabayad, pero gusto pang dagdagan ang utang at yung iba’y ang kakapal ng mukha na galit pa pag sinisingil, hinding-hindi ko po magagawa ang nasa ibaba,” ang nakakalokang hirit pa ni Papa O.

Pero sa huling bahagi ng kanyang mensahe ay mababasa ang, “Kung maliit na karayom lang yan, baka kayanin naman.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-post si Ogie sa social media ng tungkol sa mga taong hindi marunong magbayad ng kanilang mga utang at dinededma lang ang mga obligasyon sa kanilang mga pinagkakautangan.

Ibig sabihin, talagang napakaraming may utang kay Papa O na kung susumahin siguro ay aabot na sa milyun-milyong halaga. Papa O, Beke namen! Ha-hahahaha!

Lucky contestant sa ‘Wowowin’ hindi agad naniwala kay Bitoy, biglang binabaan ng phone

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kiray may nakakalokang kuwento matapos regaluhan ng P1-M ang ina: ‘Proud ako na mukhang pera mama ko!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending