Ogie Diaz pinatutsadahan si Rendon Labador sa pakikisawsaw nito sa mga isyu: Hihina ang bentahan ng motivational rice | Bandera

Ogie Diaz pinatutsadahan si Rendon Labador sa pakikisawsaw nito sa mga isyu: Hihina ang bentahan ng motivational rice

Therese Arceo |May 23,2023
facebook
share this

Ogie Diaz pinatutsadahan si Rendon Labador sa pakikisawsaw nito sa mga isyu: Hihina ang bentahan ng motivational rice

Therese Arceo - May 23, 2023 - 08:16 PM

Ogie Diaz pinatutsadahan si Rendon Labador sa pakikisawsaw nito sa mga isyu: Hihina ang bentahan ng motivational rice

NAGBIGAY opinyon ang talent manager at komedyanteng si Ogie Diaz sa muling pag-iingay ng motivational speaker na si Rendon Labador.

Sa kanyang latest vlog sa “Showbiz Update” kasama sina Mama Loi at Ate Mrena ay nag-react ito sa kinasasangkutang isyu ng binata ngayon.

Muling binalikan ni Ogie ang pagsasabi ni Rendon ng “laos” sa beteranang komedyante na si Michael V na siyang inalmahan ng marami.

Sunod naman ay ang pagbibigay komento ng motivational speaker sa pahayag diumano ni Ben Tulfo na fake news pala kung saan sinabi nitong hindi siya pumapatol sa matatatanda.

Ngunit dito na tunay na pumalag si Ben Tulfo sa binata kung saan ipinagtanggol na rin niya si Michael V at kwento pa nga ni Ogie sinabi raw ni Ben na tinuruan sila ng ina na huwag pumatol sa “babae”.

Pero dahil feeling strong nga si Rendon ay muli nitong binanatan si Ben Tulfo.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz tinalakan si Rendon Labador: Huwag natin pairalin yung pagiging siga

“Wala akong pakialam sa inyong lahat kahit magkampi-kampihan pa kayo diyan. Gusto ko lang sabihin ang opinyon ko. Anong ‘enforcer ng media?’ E ‘di pahuli mo ‘ko para magkaalaman tayo, hindi kita uurungan. Kung gusto mo, ako pupunta diyan para hindi ka na mahirapan,” sey ni Rendon.

Sunod naman na ibinahagi ni Ogie ay ang pagre-react ni Rendon sa naging kontrobersyal na pahayag ni Slater Young ukol sa mga babae.

Aniya, maaari raw makaapekto kay Rendon at sa mga negosyo nito ang patuloy niyang pag-iingay sa social media.

“Kapag siya ay ganito ng ganito, hihina ang bentahan ng motivational rice,” sey ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Parang hindi nakaka-[motivate] ang sinasabi ni Rendon.”

Chika pa ni Ogie, karamihan raw sa mga social media personalities ngayon ay bet ba bet kapag pinapatulan sila ng mga pinatututsadahang tao.

“Sa karamihan ng mga influencers, mas gusto nila na pinapatulan sila. Mas gusto nila na pinag-uusapan sila. Kahit ito’y bashing pa. Gusto nila ‘yan kasi nga, dun sila nakilala e,” sabi ng talent manager.

Dagdag pa ni Ogie, “Kaya kaya nila i-take kahit i-bash sila nang i-bash ng tao ang dating sa kanila, ‘o relevant ako ngayon kasi bina-bash ako’.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Hirit ni Ogie Diaz kapag bumalik sa ABS-CBN si Willie Revillame: Mula sa top management ang magre-resign…

Michael V tinira-tira ni Rendon Labador: ‘Masakit na katotohanan na laos na kayo WE CONTROL THE MEDIA NOW!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending