Ogie Diaz nakatanggap nga ba ng mensahe ng pakikiramay mula kina Liza at Enrique? | Bandera

Ogie Diaz nakatanggap nga ba ng mensahe ng pakikiramay mula kina Liza at Enrique?

Reggee Bonoan |April 28,2023
facebook
share this

Ogie Diaz nakatanggap nga ba ng mensahe ng pakikiramay mula kina Liza at Enrique?

Reggee Bonoan - April 28, 2023 - 05:10 PM

Ogie Diaz nakatanggap nga ba ng mensahe ng pakikiramay mula kina Liza at Enrique?

Liza Soberano, Ogie Diaz, Enrique Gil Image: Instagram/ @ogie_diaz

WALA kaming nakitang wreath sympathy flowers mula sa dating alaga ni Ogie Diaz na si Liza Soberano noong dumalaw kami sa burol ni Nanay Mameng Diaz Pandaan kasama si Bossing Ervin Santiago noong Miyerkoles ng gabi.

Kaya namin ito nabanggit ay dahil ito rin ang tanungan ng mga kasamahan namin sa trabaho at mga kaibigan ni Ogie na naroon habang nagkaka-tsikahan dahil nagmistulang reunion ito ng mga dating naka-trabaho noong ng TV host/content creator at talent manager noong nasa ABS-CBN pa siya.

Walang naglakas ng loob na magtanong nu’ng gabi kay Ogie at finally sa YouTube channel nilang “Showbiz Update” kasama sina Mama Loi at Tita Jegs ngayong hapon ay sinagot ng una ang tanong ng lahat kung nakiramay ba si Liza.

Si mama Loi ang nag-open, “Ang daming nagtatanong sa akin ‘nay (Ogie) masasagot mo kaya? Ang daming nagtatanong kung nagpaabot daw ba ng pakikiramay si Liza Soberano sa ‘yo?”

“Sa Friday (ngayong araw) pa naman ang libing ng nanay ko, so, hindi natin alam baka naman magpa-abot si Liza. So far wala akong natatanggap sa viber or text (mula) kay Liza. Malay naman natin di ba, umabot ng Friday. Pero kay lang ‘yun kung sino lang ‘yung makakaalala. Hindi natin alam baka sa socmed account niya o sa ibang post, nag-post siya, pero sa akin wala sa personal. Malay mo naman Loi, busy lang ang lola mo, ‘yun na lang isipin natin,” malumanay na sabi ni Ogie.

Hirit ni mama Loi, “e, si Enrique (Gil) ‘nay?”

“Hindi rin,” kaswal na sagot ni Ogie.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz inaatake ng anxiety kaya iwas na iwas sa stress: ‘Sumusumpong siya tuwing magigising ako ng 4 a.m.’

Nabanggit ng talent manager na okay lang sa kanya ‘yung hindi mga nagparamdam ng pakikiramay dahil hindi naman daw puwedeng magdikta kung sino ang dapat pumunta o hindi para makiramay.

Bagkus ay pinasalamatan ni Ogie ang lahat ng mga nagpadala ng napakaraming bulaklak na napuno na ang buong lobby area at hallway ng Sanctuarium bukod pa ‘yung nasa loob ng kuwarto dahil alam niyang napakamamahal ng lahat ng ito.

“Halos araw-araw ilang mga bulaklak ang dumarating (ipinakita sa video) at nakasalansan ang mga padala ng ating mga kaibigan kaya maraming-maraming salamat,” sambit ni Ogie.

Sabi naman ni mama Loi, “naging tourist attraction na nga ‘nay bawa’t dumarating tinitingnan kung kanino galing ‘yung mga bulaklak.”

“Oo nga, kaya sobrang appreciated ko kaya nga pino-post ko sa Instagram kung sino ‘yung mga nagpapadala ng mga bulaklak kasi napakamamahal ng mga bulaklak na ‘yan para hindi natin i-acknowledge.

“Yung mga pagkain na dumarating sa atin ang dami-dami rin. ‘Yung mga pa-cater ni Ate Cristy Fermin (2 days), Ohana BoracayBeach Resort, si Madam Cat (Catherine) Amos, ‘yung mga kakanin pa, ang daming nagpapakain. Umaapaw ang pagkain, umaapaw din ang mga taong nakikiramay,” paglalarawan ni Ogie.

Samantala, kahit kailan talaga ay hindi nawawalan ng sense of humor si Ogie dahil ang daming ipinadalang sponge cake o pianono ang kilalang Fernando’s Bake Shop bilang dessert na ang ganda ng lagayan dahil hinati-hati na ito at puwedeng i-take home.

“Naaliw ako kay Tita Pinky (Fernando) kasi ‘yung takip nito (pianono), nakalagay picture ng nanay ko, so, ‘yung mga kakain, ano kaya ang reaksyon, ha, ha, ha,” birong sabi ni Ogie.

Lahat naman ay natawa sa humor na ito dahil sa mga gustong mag-uwi ng masarap na dessert na ito ay malalaman kung saan ito galing. Pero siyempre wala naman sigurong nag-uwi dahil may kasabihang ‘bawal mag=uwi ng pagkain o inumin mula sa burol.’

Sa mga sandaling kasama namin si Ogie ay puro siya biro at kuwento ng kuwento na malaki ang natipid niya pagdating sa catering sa limang araw na wake ng nanay niya dahil maraming nagbigay at super saming nakiramay. Hindi nga naman biro ang gastos pagdating sa pagkain, mga inumin tulad ng bottled water, kape, juices, at marami pang iba.

Biro pa ni Ogie, “para palang hospital ito (Sanctuarium), sa patak ng metro, ha, ha, ha.”

Ang muli naming pakikiramay Ogie at sa buong pamilya mo.

Related Chika:
Ogie Diaz may sama ba ng loob sa mga dating alagang sina Vice Ganda at Liza Soberano?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sagot ni Liza kapag nabigo sa Hollywood: ‘At least I tried, wala akong regrets pagtanda ko na hindi ko man lang sinubukan’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending