Barbie Forteza, David Licauco masyado na raw OA, sey ng faney: Ang cringe talaga ng fan service | Bandera

Barbie Forteza, David Licauco masyado na raw OA, sey ng faney: Ang cringe talaga ng fan service

Therese Arceo |May 18,2023
facebook
share this

Barbie Forteza, David Licauco masyado na raw OA, sey ng faney: Ang cringe talaga ng fan service

Therese Arceo - May 18, 2023 - 04:39 PM

Barbie Forteza, David Licauco masyado na raw OA, sey ng faney: Ang cringe talaga ng fan service

MUKHANG nasobrahan na sa pagpapakilig sa madlang pipol ang Kapuso love team na sina Barbie Forteza at David Licauco.

Matatandaang mabuo ang tambalan nila bilang FiLay na hango sa pangalan ng kanilang mga karakter sa “Maria Clara At Ibarra” na Fidel at Klay.

Nitong February 2023 lang nang magtapos ang teleseryeng pinagbibidahan nina Barbie at David kasama sina Dennis Trillo at Julie Anne San Jose ngunit naging mainit ang pagtanggap ng mga manonood sa dalawa.

Kaya nga kahit natapos na ang “Maria Clara At Ibarra” ay looking forward pa rin ang kanilang mga supporters sa bawat proyektong pagsasamahan pa ng dalawa.

At bilang pasasalamat sa mga natatanggap nilang suporta ay pinapasaya nina Barbie at David ang mga ito sa kanilamg simpleng kulitan at sagutan sa social media lalo na sa Twitter.

Sa umpisa ay marami ang kilig na kilig sa pagiging malapit ng dalawa at talagang taimtim ang kanilang pagdarasal na sana’y masundan na agad agad ng panibagong proyekto ang kanilang tambalan.

Baka Bet Mo: Barbie Forteza aminadong kinuwestiyon ang sarili noon, masayang natutupad na ang mga pangarap

Ngunit habang tumatagal ay tila unti-unti nang nauumay ang mga faney sa mga ganap ng dalawa dahil masyado na raw “cringey” at “overacting” ang ibinibigay nilang fan service.

Lately nga ay may mga nagko-callout na kina Barbie at David at inihahayag ang kanilang napapansing mali sa dalawa.

Super sweet kasi ng mga nagiging palitan ng mensahe ng dalawa at may mga fans na nagsasabing tila nagiging insensitive na ang mga ito kay Jak Roberto.

Si Jak ang longtime boyfriend ni Barbie at aware ang mga fans sa relasyon ng dalawa kaya naman pakiramdam nila ay tila “walang preno” o “walang respeto” ang dalawa sa feelings ng Kapuso actor.

Narito ang mga komento ng madlang netizens:

“hindi na’ko natutuwa sa “fan service” kamo ni David at Barbie. ewan ko na lang sa mga fans nila na tuwang tuwa pa rin kahit parang nagiging insensitive na yung dalawa or papansin lang talaga sila? HAHAHAHAHAHAHA”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by David Licauco (@davidlicauco)

“No offense ha, pero ang cringe talaga ng fan service ni barbie and david.”

“Nung una gusto ko pa love team ng filay eh kaso nung tumagal sumobra na fan service to the point na didisrespect na bf ni barbie tapos ang oa na”

Samantala, wala namang komento ang dalawa hinggil sa isyung kinasasangkutan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag nina Barbie at David hinggil sa daing ng madlang pipol.

Related Chika:
David Licauco hindi pa handang magpakasal kaya nagkahiwalay ng dating dyowa; iniyakan ang ex-GF na taga-ABS-CBN

Barbie Forteza pinapili ni Boy Abunda kung abs ni Jak o ni David: ‘It’s not what I’m after’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending