Aga Muhlach hindi nakikialam sa mga diskarte sa buhay ni Atasha; ibinuking ang kuwento ng anak tungkol sa parking lot
BUONG-BUO ang suporta ni Aga Muhlach sa pagpasok ng kanyang dalagang anak na si Atasha Muhlach sa mundo ng showbiz.
Ayon sa award-winning actor at isa sa mga original ultimate heartthrob ng local entertainment industry, desisyon ng isa sa kambal na anak nila ni Charlene Gonzales ang mag-artista at maging recording artist.
Hindi raw nakikialam ngayon si Aga sa mga diskarte sa buhay ng anak ngunit ipinangako raw niya rito ang kanyang 100 percent support sa lahat ng gagawin niyang projects sa Viva.
“As her dad, she knows that I am right there behind her pero ayaw ko makialam talaga. I pray that she flies,” ang pahayag ni Aga sa naganap na storycon ng bago niyang pelikula, ang “Forgetting Canseco.”
View this post on Instagram
“I am happy that she’s gonna be working soon. She started already, nag-presscon na siya. As a matter of fact, the first photo she showed me and then she texted me and she says, ‘Hey Dad, guess what? I have my name sa parking lot.’ Tuwang-tuwa na siya sa parking niya,” chika ni Aga.
Ang wish at ipinagdarasal lang ni Aga ay maging matagumpay si Atasha sa bagong mundong pinasok nito na napakalaking bahagi rin ng buhay nila ng asawang si Charlene.
Baka Bet Mo: Anak nina Aga at Charlene na si Atasha pak na pak maging Miss Universe
“She’s of age. Work it. Sabi nga niya, slay! Gusto niya iyan. Eskuwela niya, siya ang namimili kung saan siya mag-aaral, kung anong gusto niyang gawin.
“If she wants to work already, then go, sige para maramdaman mo. Hindi namin napag-uusapan sa bahay iyan. Iba ang takbo sa bahay talaga. It’s really normal,” aniya pa.
Sa panayam ng press kay Atasha after ng contract-signing niya sa Viva Artists Agency kamakailan, sinabi niyang matagal na niyang gustong pasukin ang showbiz.
View this post on Instagram
“This is something that I’ve always wanted to do ever since I was 10 years old when I did ‘The Sound of Music.’ That was when I realized I really do love to perform. I love to sing. I love to just smile. But I realized I had to prioritize my studies,” aniya.
“Personally, I really would love to try everything. I sing, I would like to dance, I perform and I’m willing to act. I don’t really want to close my doors on anything, but as of now, I’m just taking it one step at a time,” dagdag chika pa ni Atasha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.