Jak ipatatayo na ang ultimate dream house; Barbie may 2 request sa bahay ng dyowa Bandera

Jak ipatatayo na ang ultimate dream house; Barbie may 2 request sa bahay ng dyowa

Ervin Santiago |October 12,2021
share this

Jak ipatatayo na ang ultimate dream house; Barbie may 2 request sa bahay ng dyowa

Ervin Santiago October 12, 2021 - 08:43 AM

Jak Roberto at Barbie Forteza

NGAYON pa lang ay pinaghahandaan na ng Kapuso hunk na si Jak Roberto ang kanyang future, kabilang na ang pag-iipon para sa kanyang dream house.

At in fairness, may bonggang participation daw ang kanyang girlfriend na si Barbie Forteza sa ipatatayo niyang bahay para sa sarili at para na rin sa kanyang future family.

Sa report ng GMA, ipinakita ni Jak ang nabili niyang lote kung saan itatayo ang kanyang dream home na matatagpuan sa Quezon City. Tamang-tama lang daw ang laki nito at maganda rin ang location.

Sa panayam kay Jak, inamin ng tinaguriang Pambansang Abs na sinimulan na rin niya ang paghahanap ng magandang style at konsepto ng bahay.

“Tumitingin na ako sa internet ng mga modern design, industrial, inaalam ko na kung pano ‘yung mga process niyan, kung paano ipapa-approve sa bangko yung mga papers na kailangan lakarin,” pahayag ni Jak.

“So alam mo yun? Adulting!” natatawa pang chika ng Kapuso actor.

Nabanggit din niya na super involved din ang dyowa niyang si Barbie sa house planning, “Ipinakikita ko nga sa kanya ‘yung mga house design na nakita ko eh.

“Sabi ko ‘okay ‘yung ganito, okay kung ganyan, no?’ Tapos sabi niya, kapag bibisita siya, gusto na lang niya, makikita niya maganda ‘yung walk in closet, tapos ‘yung coffee ‘yung kapihan namin, ‘yung lugar,” kuwento pa ng lead actor sa susunod na season ng Kapuso afternoon drama series na “Stories From The Heart: Never Say Goodbye.

Ayon pa kay Jak, sinasanay na niya ang kanyang sarili na maging wais sa paggastos para na rin makapag-ipon for his future family.

“‘Yung dati na makakapag-coffee pa ako sa labas, mas nag-invest na lang ako sa espresso machine. Minsan sa mga kain sa labas, minsan ‘yung mga once mo na lang, iisantabi mo na kasi meron kang kailangan na paghandaan na needs,” paliwanag pa ng boyfriend ni Barbie.

Samantala, trailer pa lang ng bago niyang serye na “Never Say Goodbye” kung saan makakasama niya sina Klea Pineda at Lauren Young, ay umani na agad ng papuri sa mga manonood at netizens.

Ito ang papalit sa malapit nang magtapos na “Loving Miss Bridgette” nina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda na talaga namang hit na hit sa mga manonood.

Mapapanood na ang “Stories From The Heart: Never Say Goodbye” simula sa darating na Lunes, Oct. 18 sa GMA Afternoon Prime.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending