Litrato nina David Licauco at Barbie Forteza na magkayakap habang natutulog viral na, netizens may napansing ‘nakabukol’ sa kumot
HABANG nagba-viral at patuloy na nagte-trending si Jak Roberto sa social media, hindi rin nagpapapigil ang pag-ariba ng tambalang David Licauco at Barbie Forteza.
Hot topic pa rin ng mga Marites ang pak na pak na “anti-selos” paandar ni Jak kung saan ipinagdiinan niyang never siyang nagselos sa kasikatan ng loveteam ng kanyang girlfriend at ni David.
Tanggap na tanggap daw niya ang katotohanan na mainit ngayon ang tambalang “BarDa” at naniniwala siyang trabaho lang ang ginagawa ng dalawang Kapuso stars.
In fairness, habang pinag-uusapan ang naging panayam ni Jak sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay talagang pina-trending din ng BarDa fans ang mga bagong kaganapan ngayon sa Kapuso loveteam.
View this post on Instagram
Kabilang na nga riyan ang litrato nina Barbie at David na magkayakap habang nakahiga sa isang kama. Parehong nakapikit ang dalawa sa nasabing photo.
Pero bago pa ito malagyan ng malisya, kuha ang litrato sa taping ng bago nilang serye sa GMA, ang TV remake ng classic at blockbuster movie nina Robin Padilla at Sharon Cuneta na “Maging Sino Ka Man.”
Baka Bet Mo: Bea Binene nanindigan para sa bet na kandidato, sey ng netizens: The only BBM we stan!
“Happy Sunday, mga Kapuso! Sana nakatulog kayo ng mahimbing ngayong weekend katulad nila!” ang nakalagay sa caption ng Instagram post ng GMA Network.
As expected, umani ito ng sandamakmak na reaksiyon at comments mula sa mga netizens. Narito ang ilan sa mga nabasa namin.
“Jak left the group.”
“Jak ano na?”
“Jak kaya mo ‘yan. For the show lang ‘to Jak. For the Fans lang ‘to Jak.”
View this post on Instagram
“Bakit feeling ko, feeling ko lang naman, this is ‘right love at the wrong time’?”
May ilang netizens naman ang nakapansin na parang may kakaibang bagay na nakaumbok o nakabakat sa kumot na gamit nina Barbie at David.
“Hala bakit may PIPINO?”
“Ay may baong pipino, tinago pa.”
Dawn Zulueta nagpahayag ng pagsuporta sa tambalang Marcos-Duterte
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.