Bea Binene nanindigan para sa bet na kandidato, sey ng netizens: The only BBM we stan! | Bandera

Bea Binene nanindigan para sa bet na kandidato, sey ng netizens: The only BBM we stan!

Therese Arceo - April 26, 2022 - 02:46 PM

Bea Binene nanindigan para sa bet na kandidato, sey ng netizens: The only BBM we stan!

USAP-USAPAN ngayon ang Kapuso artist na si Bea Binene matapos itong mamataan sa nagdaang Nueva Ecija people’s rally ng tambalang Leni Robredo at Kiko Pangilinan.

Isa kasi ang aktres sa mga taas noong sumampa sa entablado para maging host sa campaign sortie na ginanap sa Gapan City Plaza noong April 25.

Noon pa man ay may mga netizens na ang nagbibiro na ang ibig sabihin daw ng BBM ay “Bea Binene Movement” kaya naman nang sabihin ito ng aktres sa entablado ay talaga namang naghiyawan ang mga taong present sa rally.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bea Binene (@beabinene)

 

“Share ko lang, hindi naman ako ang nagpasimula nito, nakita ko online…

“Kaya samahan n’yo po ako, sama-sama po tayong lahat dahil ang Bea Binene Movement ay para kay Leni Robredo,” matapang na saad ng aktres na mas lalong nagpahiyaw sa audience at napasasigaw ng “BBM”.

Agad rin siyang nag-trending sa Twitter dahil sa kanyang matapang na paninindigan at maging sa witty niyang pahayag sa naganap na sortie.

“The only BBM we claim is Bea Binene Movement. The queen has finally spoken!” tweet ng isang netizen.

Pabirong saad naman ng isa, “The Asia’s Queen of Job fairs, the PH Music Industry herself, the Godnene of Kamuning, and the only BBM we will ever support is a Kakampink! In Bea Binene Movement we trust!”

“Si Madam Bea may prangkisa ang network bakit tumitindig din? May we not forget these people who stood with us during the moment when our country needs it the most. The movement that matters, Bea Binene Movement,” puno ng hangang sey ng isang netizen.

 

 

Hirit naman ng isa pa, “THE ONLY ‘BBM’ WE STAN, THE STRONGER BBM. THE BBM WE ALL DESERVE! BEA BINENE MOVEMENT.”

Isa si Bea sa mga Kapuso stars na tumindig at nagpakita ng suporta sa tambalang Leni-Kiko at buong tRoPang Angat.

Hindi naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagpakita ng suporta ang aktres para sa pagtakbo ni Leni Robredo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin siya sa mga artistang nangampanya nang tumakbo ito sa pagka-bise presidente noong 2016.

Related Chika:
Angel Locsin bumisita sa Marawi, ikinampanya ang tambalang Leni-Kiko

Lucy Torres malalim ang hugot, nanindigan sa pagkampi kay Bongbong Marcos

Karen sa chikang ineendorso si Bongbong Marcos: I’m not campaigning for any candidate, trabaho po ito

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending