Angel Locsin bumisita sa Marawi, ikinampanya ang tambalang Leni-Kiko | Bandera

Angel Locsin bumisita sa Marawi, ikinampanya ang tambalang Leni-Kiko

Therese Arceo - April 01, 2022 - 06:47 PM

Angel Locsin bumisita sa Marawi, ikinampanya ang tambalang Leni-Kiko

NAGBABALIK ang aktres na si Angel Locsin sa Marawi City bilang personal na maging bahagi ng campaign rally nina presidential candidate Vice President Leni Robredo at vice presidential candidate Sen. Kiko Pangilinan.

Ibinahagi ng aktres ang kanyang larawan na kuha sa arko ng Marawi City sa Instagram account niya nitong Biyernes ng umaga, April 1.

“Good morning Marawi,” saad ni Angel.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angel Locsin-Arce (@therealangellocsin)

 

Bumisita rin ang aktres sa Angat Buhay Village upang magsagawa ng house-to-house campaign para hikayatin ang mga residente na karapat-dapat sina VP Leni at Sen. Kiko para sa kanilang boto sa darating na national elections sa May 9, 2022.

Makalipas ang ilang oras ay muling nagbahagi ng mga larawan si Angel na kuha mula sa rally kung saan nakasama niya ang iba pang volunteers at tagasuporta ni VP Leni.

“Priority kayo. Happy Ramadan and Eid Mubarak,” caption ng aktres.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angel Locsin-Arce (@therealangellocsin)

 

Marami naman ang humanga sa ipinakitang pagsuporta ng aktres para sa kanyang mga kandidato sa darating na eleksyon.

Saad ng netizen, “Tunay na malasakit sa kapwa.”

“Take care Angel and God bless Marawi! Truly, may the works of your hands be blessed!” comment ng isang netizen.

“We love you Ate Angel! Tunay nga na ang iyong pangalan ay nababagay sa iyong kabutihan at kagandahan! We love you here in Marawi!” sey pa ng isa.

Matatandaang 2017 nang unang magtungo ang aktres sa Marawi para magbigay tulong sa mga kababayang naapektuhan ng Marawi siege kung saan personal siyang namahagi ng relief packs at school supplies.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Angel miyembro ng royal family sa Marawi; nakisimpatya sa war victims

Angel: Basta ang alam ko ang mga Muslim ayaw ng violence, ayaw nilang nakakasakit ng kapwa

Gerald, Angel dinedma ang banta ng terorismo para sa mga sundalong pinoy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending