Angel miyembro ng royal family sa Marawi; nakisimpatya sa war victims | Bandera

Angel miyembro ng royal family sa Marawi; nakisimpatya sa war victims

Reggee Bonoan - June 10, 2017 - 12:10 AM

ANGEL LOCSIN

KASALUKUYANG nasa Marawi City si Angel Locsin para bisitahin ang mga kababayan nito na naging biktima ng terorismo.

Base sa post ng RMP (Risk Management Plan) at Kalinaw Mindanao network, “Angel Locsin expressed sympathy to the evacuees of Marawi City as she visited the victims of aerial bombings and Marawi crisis in an evacuation center in Ma’had Alnor Al-Islaime, Block 8, Purok 5A, Ceanuri Subdivision in Tomas Cabili, Iligan City yesterday.

“Kalinaw Mindanao will hold a National Interfaith Humanitarian Mission on June 13-16 that will gather around 1,000 interfaith leaders, medical and mental health professionals, lawyers, humanitarian and development organizations, and volunteers from various universities and interfaith communities nationwide. They will render various resources and competencies for the IDPs.”

Sa mga hindi nakakaalam ay parte si Angel ng Muslim royal family sa Marawi City, Lanao del Sur. Ang ina ng aktres ay ina-adopt ng isang Prinsesa as Marawi at ang lolo niya ay isa sa 15 sultanates ng nasabing bayan.

Tanda pa nga namin noong nag-show kami sa Marawi kasama sina Christian Bautista at Kim Idol ilang taon na ang nakararaan mula sa imbitasyon ni Gov. Bombit Adiong ay tinawagan kami ni Angel nang malaman niyang naroon kami at tinanong kung kailangan namin ng additional security at agad siyang magpapadala.

Sabi namin, napaka-safe ng Marawi City noon dahil talagang asikasng-asikaso kami ng pamilya Adiong lalo na ng pinsan nilang si Mary Ann Adiong-Gener na staff ni Gov. Bombit.

Kaya nakalulungkot na mabalitaan ang sinapit ng Marawi City na isang napakatahimik na lugar noon dahil nga hindi ito basta-basta napapasok ng bandido.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending