Celia Rodriguez sure na: Si Angel ang pinakamagaling na Darna!

Celia Rodriguez nanindigan: Si Angel ang pinakamagaling na Darna!

Reggee Bonoan - July 30, 2024 - 09:31 AM

Celia Rodriguez nanindigan: Si Angel ang pinakamagaling na Darna!

Celia Rodriguez at Angel Locsin

WALANG pakialam ang beteranang aktres na si Ms. Celia Rodriguez kung may mag-react sa sinabi niyang si Angel Locsin ang pinakamagaling na Darna.

“That is my prerogative who is the best Darna, sabi ko si Angel Locsin! Binash ako!” ang sabi ni Ms. Celia sa panayam niya sa “Ogie Diaz Inspires” na in-upload sa YouTube kagabi.

Patuloy pa ng batikang aktres, “Tinanong ako who is the best Darna (gumanap), there is Vilma (Santos-Recto) nag-Valentina ako, e ‘yun ang gusto ko, (Angel) why are you correcting me? E, para sa akin ang pinakamagaling talagang Darna si Angel Locsin.”

Baka Bet Mo: Darna mural alay sa mga tunay na Pinoy ‘superhero’; Jane, Joshua, Janella saludo sa mga bagong bayani

Maraming netizens na supporters siguro ng mga aktres na gumanap na Darna simula pa noong 1951 ang nag-react pero may karapatan namang magsabi si Ms. Celia kung sino para sa kanya ang the best dahil halos lahat ng gumanap ng iconic Pinay superhero ay nakatrabaho niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angel Locsin (@angellocsin_updates)


“I’ve worked with Marian (Rivera-Dantes), I’ve worked with Angel, I’ve worked with Vilma, lahat ‘yan nag-Darna, so I can compare, e, si Angel talaga pinakamagaling. I’m sorry, e, ‘yun ang choice ko,” katwiran ng aktres.

Sabi naman ni Ogie, baka gusto ng netizens ay nagpaka-safe na lang sana ng sagot si Ms. Celia.

Mabilis na sabi ng aktres, “And be hypocrite?”

“That’s one thing with me, I’m not a hypocrite, what I am is what you see.  (Alangan) sabihin ko na si ano ang magandang Darna tapos sa loob-loob ko, bakit ko ba sinabi ‘yun? I have to be true to myself or else I cannot be true to you. Magaling lahat silang Darna pero ang tanong, sino ang pinakamagaling?” paliwanag ni Ms. Celia.

Baka Bet Mo: Angel Locsin tuloy ang pag-iwas sa socmed, ine-enjoy ang pribadong buhay; wala na nga bang balak bumalik sa showbiz?

At kaya naman pala humanga nang husto ang batikang aktres ay sa dahilang hindi nagpapadobol si Angel na pala muntikan na niyang ikamatay.

“Si Angel muntik nang (makuryente) ng Meralco (muwestrang lumipad). Ayaw magpa-double ang galing ni Angel do’n,” kuwento ni Ms. Celia.

At saka raw sumunod si Marian na gumanap din bilang Darna na ipinalabas sa GMA 7 noong 2009.

Isa pang rason kung bakit sobrang na-bash si Ms. Celia ay nang ikumpara niya ang acting nina Ate Vi at Nora Aunor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝓐𝓵𝓵𝓪𝓷 𝓖𝓮𝓷𝓽𝓵𝓮 𝓡𝓾𝓭𝓲𝓸 (@_baebybaer21official)


“Oo, binash ako. Ang question naman kasi ni Boy (Abunda) ay hugot as an actress kasi artista rin ako. Sabi ko hindi ko (puwedeng) ikumpara kasi I made movies and teleseryes with Nora and Vilma.

“When it comes to hugot acting wise, mas malalim si Nora. Maraming nagalit sa akin at napunta na sa personal life.  Teka muna hindi ko naman pinag-uusapan ang personal life! We are talking about an acting! Kung sino ang magaling,” esplika niya.

Dagdag pa ng aktres, “Napunta na si Nora, ganito kasi ganito. Tapos sabi kasi Noranian ako, hindi ninyo alam na ganito (si Nora), bakit kayo (fans) galit sa akin?

“Kasi kung titingnan mo ang private life ang lahat ng nanalo, wala nang mag-aaward giving body.

“Ang ibig bang sabihin si Marlon Brando Actor of the Century hindi bibigyan ng Oscar kasi anak niya nag-suicide?  Marami siyang asawa hindi puwedeng bigyan?

“Sa Hollywood wala silang pakialam it’s only about you as an actor, who would care about your private life?”

“Si Elizabeth Taylor dapat walang Oscar kasi pito ang kanyang asawa? E, di wala na g magbibigay ng award?” paliwanag ni Ms. Celia.

Kaya dapat hiwalay ang trabaho at personal life, sabi ni Ogie.

“Exactly at saka si Vilma hindi naman nagsabing ‘ako si Mother Teresa, ‘no?’ All of us has skeleton in the closet, all of us. No exception, all of us! I am not talking to you as a person, I’m talking about you as an artist, period.

“What you do with your personal life is none of my concern, wala akong pakialam sa buhay mo. Ang tanong ay sino ang mas magaling umarte, hindi pinag-uusapan ang buhay mo, bakit ako bina-bash? Wala naman akong sinabing masama?” katwiran ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Okay naman.daw sina Ms. Celia at Ate Vi, “Ao she’s my kumadre (hindi raw pinersonal ni Ate Vi). Hindi, she’s not that type (at) edukada naman ‘yung tao, di ba?”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending