Angel Locsin tuloy ang pag-iwas sa socmed, ine-enjoy ang pribadong buhay; wala na nga bang balak bumalik sa showbiz? | Bandera

Angel Locsin tuloy ang pag-iwas sa socmed, ine-enjoy ang pribadong buhay; wala na nga bang balak bumalik sa showbiz?

Ervin Santiago |September 11,2023
facebook
share this

Angel Locsin tuloy ang pag-iwas sa socmed, ine-enjoy ang pribadong buhay; wala na nga bang balak bumalik sa showbiz?

Ervin Santiago - September 11, 2023 - 07:37 AM

Angel Locsin tuloy ang pag-iwas sa socmed, ine-enjoy ang pribadong buhay; wala na nga bang balak bumalik sa showbiz?

Angel Locsin

SIGURADONG marami na ang nakaka-miss ngayon sa Kapamilya actress na si Angel Locsin dahil matagal-tagal na panahon na ring hindi siya napapanood sa telebisyon at pelikula.

Maging sa social media ay hindi na rin nagpo-post ng kahit ano ang award-winning actress, sa katunayan ang last pa niyang entry sa kanyang Instagram account ay noon pang August 21, 2022, kaya wala na talagang balita ang fans about her.

Kaya naman ang nagkakaisang tanong ng kanyang mga fans, ano na ang nangyayari sa kanya ngayon. Kumusta na kaya siya sa piling ng kanyang asawang producer na si Neil Arce at ano na kaya ang pinagkakaabalahan niya.

Tanging si Angel lamang ang nakakaalam kung kailan siya babalik sa showbiz o kung may plano pa nga ba siyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aartista.

Sa “Ogie Diaz Showbiz Update” YouTube channel nina Ogie Diaz, Mama Loi at Dyosa Pockoh, napag-usapan ang tungkol sa matagal nang pamamahinga ni Angel sa mundo ng entertainment industry.

Ayon kay Ogie, nakakuwentuhan daw niya ang kanyang source at nagbigay naman ito ng ilang updates sa buhay ni Angel na malayung-malayo na sa limelight.

“Si Angel Locsin po ay nasa bahay, at ine-enjoy ni Angel Locsin ang kanyang absence sa social media,” ang simulang kuwento ni Papa O base na rin sa pag-uusap nila ng kanyang source.

Baka Bet Mo: Angel muling pinatunayan na love na love talaga si Kris, personal na tsinek ang kundisyon ng BFF

Dagdag pa niyang chika, “Siyempre, gumagalaw pa rin ng cellphone si Angel. Naaaliw siya sa mga games. Ibigay natin kay Angel Locsin ‘yun.

“‘Yun ang gusto niya e. Basta happy si Angel Locsin. Siya ay may bahay o taong bahay,” sey pa ng talent manager.

Tuloy-tuloy pa rin daw ang pamamahinga ng aktres, sey pa ni Ogie, “Kung maaalala mo Loi, noong kanyang kabataan, talagang bugbog sa trabaho si Angel. Samahan pa ‘yan ng pag-aalaga niya ng kanyang tatay.”

Sey pa ni Papa Ogie, naiintindihan niya ang desisyon ni Angel na magpahinga at manahimik muna pansamantala mula sa makulay ngunit magulong mundo ng showbiz.

Samantala, may nakapagsabi naman sa amin na enjoy na enjoy ngayon ang aktres sa kanyang simple at tahimik na private life sa piling ng asawang si Neil.

Base sa mga nababasa naming komento sa social media at sa mga nakakausap naming mga fans, umaasa sila na very soon ay magbabalik na si Angel sa showbiz at muli nilang mapapanood na umaarte sa harap ng mga camera.

Angel kay Chito: Happy birthday sa kaibigan kong malupit na Rakstar! Labyu tsong!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Neil kay Angel: Sa dami ng ginagawa mo…actress, volunteer, businesswoman, pinakamagaling ka pa rin sa pagiging asawa ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending