Coco Martin mas dadami raw ang pera sa 2023, Angel Locsin may pinagdaraanan nga ba? | Bandera

Coco Martin mas dadami raw ang pera sa 2023, Angel Locsin may pinagdaraanan nga ba?

Reggee Bonoan |December 25,2022
facebook
share this

Coco Martin mas dadami raw ang pera sa 2023, Angel Locsin may pinagdaraanan nga ba?

Reggee Bonoan - December 25, 2022 - 10:05 PM

Coco Martin mas dadami raw ang pera sa 2023, Angel Locsin may pinagdaraanan nga ba?

MAGING ang relasyon nina Angel Locsin-Neil Arce at Coco Martin-Julia Montes ay naitanong ni Romel Chika kay Mamu Gloria Escoto na mapapanood sa Youtube vlog ni Rommel Chika.

Habang binabalasa ni Mamu ang baraha ay nasambit niyang, ‘parang tahimik siya ngayon ‘no?’

Sinang-ayunan naman ni Romel at marami nga raw naghahanap.

“Si Angel ay isa rin sa paborito kong artista pero sa ngayon mayroon siyang pinagdadaanang problema.  Lumabas kasi ang justice sa kanya.  Hindi ako sure o hindi rin kasi ako masyadong tagasubaybay pero kung babasahin mo dito sa cards (ay) relasyon ang problema niya parang nag-iisip siya ng hiwalayan,” say ni Mamu.

Sabay tanong ni Romel, “totoo ba ang napapabalitang may babae ang asawa niya?  Si Neil Arce may babae?”

“Hmm Oo ang sagot ng baraha, “say ni Mamu.

“Kung babasahin mo ang cards sa emosyon niya, nasa stage siya ng depression.  Ito kasing highest justice (baraha) ay may mga bagay na hindi niya inasahan o hindi natupad. And justice kasi nag-iisip siya, nagpa-plano siya ng hiwalayan pero pupuwedeng wino-work din nila ang relasyon,” paliwanag ni Mamu.

Sinundan ni Coco Martin, November 1, 1981, “naku maraming magiging pera ito.  Sa pagpasok ng 2023 masasabi kong mao-overwhelm siya.  May mga darating sa kanyang bagong projects and blessed siya itong year na ito. Isa siya sa masasabing masuwerte sa kasaganahan sa pera, karangyaan, sa trabaho.  Itong taon na ito ay puwedeng mapabalita na mayroon na siyang kasintahan talaga ibubulgar na niya.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08)

Sundot ni Romel Chika, “yung kinakasama ba niya ngayong babae, may anak na ba sila?

“Sabi ng cards, meron lalaki at masaya sila.  Ilan (anak) hindi kasi sasagutin ng baraha pero merong anak (lalaki).  Aamin na sila next year.  ikakasal sila pero hindi next year,”say ni Mamu.

Aamin na raw sina Coco at Julia Montes next year at aamin ding may anak na sila.

Related Chika:
Julia Montes sa bahay na ni Coco Martin nakatira?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angel Locsin piniling manahimik sa socmed, hindi totoong hiwalay kay Neil Arce

#PakOFlop: Gloria Escoto hinulaan ang mangyayari sa MMFF 2022 entries

Heart Evangelista mas magiging matunog ang pangalan sa 2023, magkakaroon daw ng ‘manliligaw’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending