Angel Locsin piniling manahimik sa socmed, hindi totoong hiwalay kay Neil Arce | Bandera

Angel Locsin piniling manahimik sa socmed, hindi totoong hiwalay kay Neil Arce

Therese Arceo |November 05,2022
facebook
share this

Angel Locsin piniling manahimik sa socmed, hindi totoong hiwalay kay Neil Arce

Therese Arceo - November 05, 2022 - 07:51 PM

Angel Locsin piniling manahimik sa socmed, hindi totoong hiwalay kay Neil Arce
USAP-USAPAN ngayon kung nasaan nga ba ang aktres na si Angel Locsin dahil sa tila pagiging missing in action nito sa social media.

Marami nga sa mga netizens ang tila curious kung ano na nga ba ang nangyayari sa aktres dahil ang last post nito ay noon pang Agosto nang magbakasyon sila sa ibang bansa.

At nito ngang nagdaang pananasala ng bagyong Paeng ay mas hinanap si Angel ng publiko dahil nakilala ito sa palagi nitong pagpapaabot ng tulong sa mga pamilyang nasalanta at naapektuhan ng bagyo.

Ngunit walang naging paramdam sa social media ang aktres kaya naman mas lalong nagtaka ang netizens at supporters nito kung ano nga ba ang kanyang lagay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neil Arce (@neil_arce)

Lumabas nga ang iba’t ibang espekulasyon sa kung ano nga ba ang dahilan ng pananahimik ng aktres gaya ng baka buntis raw ito, busy sa pagpapapayat, lilipat sa GMA-7, at ang pinakamalala nga ay baka raw hiwalay na sila ng asawang si Neil Arce.

Ngunit sa latest vlog ni Ogie Diaz ay nilinaw niya kung ano nga ba ang tunay na dahilan ni Angel kung bakit ito tahimik sa social media.

Aniya, walang katotohanan ang mga kumakalat na chikang buntis ito at tuluyan nang lilipat at babalik sa GMA.

“According to my source, si Angel Locsin ay nananahimik muna. Nagpahinga for a while sa social media. Wala ring hiwalayang nagaganap sa pagitan nila ng asawa niyang si Neil Arce,” paglilinaw ni Ogie.

Sa ngayon nga raw ay kasama ng aktres ang kanyang amang 94 years old sa kanilang bahay ng asawa.

“Actually ayaw muna talaga ni Angel. Pinili muna niya na um-absent sa social media… Pero siyempre, artista rin yan. Baka isang araw makita na lang natin na nagbibida na ulit sa isang teleserye,” dagdag pa ni Ogie.

Related Chika:
Angel handa nang magka-baby: Hindi naman basketball team, mga isa o dalawa pwede na

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Neil kay Angel: Sa dami ng ginagawa mo…actress, volunteer, businesswoman, pinakamagaling ka pa rin sa pagiging asawa ko

Angel muling pinatunayan na love na love talaga si Kris, personal na tsinek ang kundisyon ng BFF

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending