#PakOFlop: Gloria Escoto hinulaan ang mangyayari sa MMFF 2022 entries
SA latest vlog ni Romel Chika, kilalang stand-up comedian at co-host ni Nanay Cristy Fermin sa radio program nilang “Cristy Ferminute” sa 92.3 News FM at sa “Showbiz Now Na” YouTube channel kasama si Wendell ‘Barikutot’Alvarez ay pinahulaan niya kung ano ang posibleng resulta ng mga pelikulang kasama sa 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Sa in-upload nito kagabi bago pumutok ang 12 midnight para sa araw ng Pasko ang mga hula ng tinaguriang Prophetic Witch na si Mamu Gloria Escoto na dinayo pa sa Cabanatuan City ng bago maghantinggabi rin.
“Alam naman na kapag natatapos at magsisimula ang taon ay kinakailangan nating marinig ang mga nakikita mo (tungkol sa mga kilalang personalidad), kung ang mga bituin ba ay naayon sa kanila sa pagpasok ng taong 2023.
Bago nagsimula ang kanilang sesyon ay ipinakilala ni Romel si Mamu na na-feature na sa “Kapuso Mo, Jessica Soho” noong Abril 2019 at nabanggit niyang umanong magkakaroon ng malakas na lindol sa Luzon na nangyari nga at umabot ito sa 6.1 magnitude.
Sinundan pa ng pagputok ng Mt. Pinatubo sa Zambales, “may posibilidad na may isang bulkang natutulog ang muling gigising, ang Mt. Taal at ang Mt. Pinatubo na nangyari nga noong 2020 at 1991.
Nabanggit din niya sa “Kapuso Mo, Jessica Soho” na may apat na bagyong papasok sa Pilipinas na posibleng maging katulad ni Yolanda at ito nga ang bagyong Ulysses. Pero lagi niyang banggit na ‘gabay’ lang ito sa lahat at puwedeng maniwala o hindi.
Going back to Romel ay nagtanong siya kay Mamu tungkol sa mga pelikulang kasama sa 2022 Metro Manila Film Festival.
Naunang tanungin ang tungkol sa “Deleter” ni Nadine Lustre kung papatok sa takilya, “Kung ako ang tatanungin, may manonood pero hindi ganu’n ka-patok (box-office hits).”
View this post on Instagram
Sa tanong kung malulugi, “slight” ang sagot ni Mamu.
“Nakakaloka ang Deleter, mukhang made-delete talaga,”birong sabi ni Romel Chika.
Ang pelikulang Mamasapano: Now it can be Told ang ikalawang tinanong, “sa nakikita ko ay parang ganu’n din. May manonood (pero) hindi naman malulugi parang balanse lang,”say ni Mamu.
Break-even ang ibig sabihin sa pelikula ng Borracho Films Productions, Inc.
Ikatlo ang pelikulang Family Matters, “sa Family Matters parang sa title palang niya ay heavy drama na ito. Hindi man pumatok sa takilya pero nasa-sight ko na may mga taong magkakaroon ng award though hindi man sila magiging box office or hindi man sila ganu’n ka-hit.
Ang Partners in Crime, “siyempre Vice Ganda ‘yan, di ba? Actually, nasa-sight ko siya na magiging hit pero hindi katulad nu’ng mga nakaraan na (magiging number one). Pero maraming manonood diyan.”
“Ang My Father, Myself?” ang ika-limang tanong ni Romel Chika.
“My Father, Myself para ito sa mga LGBT, ito parang nasa-sight ko siya ng zero. (nagulat si Romel). Pero siyempre hindi porke sinabi kong nasa-sight ko siya ng zero is zero talaga! Siyempre maiiba pa ‘yan di ba? Siyempre papayag baa ng ating LGBT community na ma-zero ang film na ‘yun para sa kanila ‘yun ang aking vision,” paliwanag ni Mamu.
Ang ika-anim ay ang Labyu with an Accent, “kay Coco Martin at kay Jodi (Sta, Maria), parang sila ‘yung papangalawa sa Vice at Ivana (movie).
“My Teacher, I think pangatlo lang sila. Ang nakikita kong magna-number one nga ay ‘yung kina Vice, posible na mag number one, susunod ang kay Coco Martin and then pangatlo ang My Teacher,” hula ni Mamu.
Ano naman ang nakikita niya sa Nanahimik ang Gabi nina Ian Veneracion at Heaven Peralejo with Mon Confiano.
“Okay lang din naman, ang nasa-sight ko sa kanila ay may manonood pero hindi sila ganu’n papatok,” diretsong sabi ni Mamu.
Naikuwento naman ni Romel na nagulat din siya kasi hindi masyadong napo-promote ang pelikula nina Vice at Ivana pero ito ang nakitang posible mag number one at tila may kulang din sa chemistry nang dalawang bida.
“Ako rin napanood ko, baka may pinagdadaanan si Vice habang sinu-shoot ‘yun? Kaya nga sabi ko mag top one man siya pero hindi niya makukuha ‘yung dati-dati pa,” esplika ni Mamu.
Anyway, hindi ginamitan ni Mamu ng cards ang mga hula niya sa mga nabanggit na MMFF 2022 kundi pawang mga kutob lang.
Related Chika:
Vic kakaririn ang pagbabalik-pelikula para sa MMFF 2023; umamin kung ano ang madalas nilang ‘pagtalunan’ ni Pauleen
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.