Julia Montes sa bahay na ni Coco Martin nakatira? | Bandera

Julia Montes sa bahay na ni Coco Martin nakatira?

Reggee Bonoan |March 25,2021
facebook
share this

Julia Montes sa bahay na ni Coco Martin nakatira?

Reggee Bonoan - March 25, 2021 - 06:59 PM

“AT least lumalabas na sila ngayon, nagpapakita na sa publiko,” ang sabi ng ilang katoto tungkol sa pagsasama nina Coco Martin at Julia Montes.
Nasa Boracay pa rin hanggang ngayon ang rumored couple para magbakasyon dahil kaarawan ng aktres noong Marso 19.

Pero base sa ipinost na larawan ng supporter ng dalawa na si @binibiningjuls sa Instagram ay tila pauwi na ng Manila sina Coco at Julia dahil palabas na sila ng building with escort at kumakaway sila sa mga bumabati sa kanila.

Naka-polong puti si Coco at brown pants na may itim na backpack at bitibit pa rin ang tote bag ni Julia habang nakaitim na blouse/polo si Julia at beige pants at pareho pa rin ang suot nilang vintage fashion hat.
Naghuhumiyaw sa tuwa ang mga tagasuporta ng Coco-Juls sa kanilang public appearance pagkatapos ng ilang taon.

Ayon kay @binibiningjuls, “GOING PUBLIC UHUH UHUH!”

Sabi rin ni @aizylrodas, “Kinikilig ako (heart emoji) grabee na to pinapaalam n sa buong mundo omg (clapping hands emoji).”

Nagpasalamat naman si @bcoquendo1995, “Thank you so much Binibining Juls. Ayan na po hindi na talaga yan mad-edeny ng mga nega.  Kasi nakaharap na at hawak-hawak pa rin ni Idol Coco ang bag ni Julia! Love it po! COCOJULS for the win.”

Sundot ni @carlolao2001, “Oh ayan na malinaw na resibo si Julia Montes kasama ni Coco Martin so tanggapin nyo na katotohanan sila tlaga sa totoo buhay kayo tumahimik na kayo mga basher ni Julia mga inggitera kayo tlga minsan gigil nyo ako.”

May dahilan kung bakit ganito ang mga komento ng diehard supporters ng Coco-Juls dahil sinabayan ng ilang fans nina Coco at Yassi Pressman ang mga larawan nina Coco at Julia na nag-viral nang pumunta sila sa Boracay kamakailan.

Naglabas ang Coco-Yassi fans ng larawan naman na magkasama ang dalawa at magka-holding hands na kuha sa ibang bansa.

Pero nang i-zoom namin ito ay halatang photoshopped. Bakit ba kasi hindi pa matanggap ng Coco-Yassi fans na si Julia Montes talaga ang mahal ng aktor?

Anyway, may nagtsika sa amin na umuuwi na si Julia sa bahay ni Coco at ang bahay naman ng aktres na malapit lang din sa bahay ng aktor ay tinitirhan naman ng lola at kapatid ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending